CHAPTER 13: Girlfriend??

14 1 0
                                    

Blare's POV

Halos mapatulala ako habang nakatitig sa pag galaw ng isang malaking stick sa kamay ni Tao. Napaka bilis ng mga galaw nito na halatang eksperto na sa larangan ng bagay na iyon.

Lahat ng estudyante na nanunuod sa kanya naka focus ang mata. Nag palakpakan ang lahat ng matapos ito. Sinunod niya ang Nunchuck. Walang dudang expert nga ito pagdating sa martial arts dahil maski sa Nunchuck ay magaling din ito.

Pinagmamasdan ko ang bawat galaw nito, sa bawat pag ikot niyon sa kamay niya, sa pagtama sa parte ng katawan nito.

Gusto ko siyang hamunin sa isang laban.





"May gusto bang hamunin ang pinaka magaling na wushu fighter natin?" Tanong ng Martial arts namin.



Walang ni isa ang nag taas ng kamay. Nakita kong ngumisi si Tao na tila alam na niyang wala mag lalakas loob na kumalaban sa kanya. Sa hindi malamang dahilan, kusang tumaas ang kamay ko.



Nagbulungan ang mga estudyante. Habang si Tao ay seryosong naka tingin sa akin. Bakit? Ngayon lang ba may nag lakas loob na lumaban sa iyo?



"Miss, nag kamali ka ng school club na pinuntahan. Dun sa pangatlong gym ang music club." Sabi nito at tumalikod upang damputin ang stick na gamit nito kanina.



"Ganon ba? Akala ko club ng mga gustong matutong um-acting. Galing mo kasing magpanggap." Medyo hininaan ko ang huling salitang ginamit ko.



"May sinasabi ka miss?" Tanong nito.



"Wala. Sabi ko gwapo ka pa naman sana, duwag ka nga lang."



"Ano?" Lalong sumeryoso ang mukha niya habang lumalapit sa akin.



"Duwag ka. Dahil ayaw mong tanggapin ang hamon ko.

Pasalamat ka nga may humamon pa sa iyo."



"Sorry miss. Pero kaya walang gustong hamunin ako, dahil walang may kaya ng mga ginagawa ko."



"Ang sabihin mo, natatakot lang sila sa iyo. Paano ba iyan eh may gustong humamon sa iyo? NA KAYANG GAWIN ANG MGA GINAGAWA MO." Taas noong sabi ko dito. Matagal itong hindi naka sagot at nakatitig lang sa kanya. Nagtaka siya ng umatras ito at umangat ang gilid ng labi nito.



"You're so tough. Bakit nga ba hindi ko subukan ang kakayahan mo." Kinuha nito ang isang stick na malaki at binigay sa akin.

Ngumisi ako. Hindi ko uurungan ang isang ito. Pumwesto ako sa gitna at sinimulang gawin ang estilo ng ginawa nito kanina.

~~~~

Feireese POV

I z-in-oom mode ko ang camera ko sa direksyon ni Kyungsoo.

Kyaaahhh! Ang wafuu talaga ng hubby ko mapa malayo at malapit. Bagay na bagay sa kagandahan ko. Hahahah!!

Nakakailang shot na ako ng kalabitin ako ng kung sino. "Ano ba istorbo ka." Inis na sabi ko kay Farahmae.



"Akin na lang itong macaroons mo huh?" Hindi pa ako nakakasagot ay kinuha na nito iyon at isinubo ng buo. "Ang takaw mo talaga!" Ibinalik ko ulit ang atensiyon ko sa camera at sinilip ko ang ang hubby ko.



Huh? Asan na yun? Gamit ang camera ko hinanap ko siya, pero hindi ko talaga makita. Ah baka naman gumamit ng cr-



"Sino nag sabing may karapatan kang kuhanan ako ng litrato?" Nawala ang hawak kong camera dahil may humablot nun.



When EXO turn into a Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon