Chanyeol
Siniko ako ni Baekhyun na katabi ko. Ng tignan ko siya may ngininguso ito sa isang direksiyon at ng tignan ko naman, si Krizzia ang tinutukoy nito.
Masaya itong nakikipag kwentuhan sa mga kaibigan nito. Nasa field court kami ngayon. As usual, dahil sa P.E. subject namin. Inirapan ako ni Krizzia ng mag tama ang mga mata namin.
Hanggang ngayon hindi ko parin na papasagot ang babaeng ito. Marami na akong diskarteng nasubukan ng ginagawa ng isang nanliligaw na lalaki. Pero mukha yatang hindi umuubra ang kamandag ko sa isang ito.
"Baekhyun, sabihin mo nga sa akin... baduy ba ang mga effort ko para ligawan ang babaeng iyon?" Tanong ko na ikinatawa nito.
"Hahahah! Pfft. Bakit mo naman iyan biglang naitanong?" Sagot nito.
"Dahil ilang linggo ko ng nililigawan ang isang iyon, pero halos lahat na ng bagay na binibigay ko kung hindi niya ipamimigay tinatapon. Tangna ang mamahal kaya nung mga iyon, malaki laki na rin nagagastos ko."
Lalo itong tumawa ng napakalakas. "Kkeobseong~"
"Anong klaseng sagot iyan?" Naiinis kong sabi dito. Siraulo ampvta.
"Alam mo kasi ang mga babae iba-iba iyan. May mga babaeng kindat at ngiti pa lang ng isang gwapong katulad ko, walang pang dalawang segundo syota mo na. Meron din naman, sadyang malalandi na sila ang lumalapit. May babaeng minsan pakipot lang kaunti, yung tipong gusto eh mag effort ka pa hanggang sa mapasagot sila."
"Eh ano ang isang iyon?" Tumingin akong muli kay Krizzia.
Matagala sumagot si Baekhyun ikiniling nito ang ulo. "Sa tingin ko, siya yung tipo ng babaeng... hindi pumapatol sa isang unggoy."
Dahan dahan akong tumingin kay Baekhyun. "Ginagago mo ba ako?" Seryoso kong sabi at bigla ko siya inambaan ng suntok.
"O teka teka! Eto naman parang hindi mabiro." Natatawang tumakbo ito palayo sa akin.
"Gageu ka! Pag nahuli kita patay ka sakin!" Nanggigigil na sabi ko.
~~~
Krizzia
Lihim kong sinulyapan si Chanyeol na kausap si Baekhyun. Mag iilang linggo na rin itong nangungulit sa akin. Kung pag babasehan ay ang mga ginagawa nito, malinaw na nanliligaw ito sa akin. Pero hindi ko maiwasang pagdudahan ang biglaang panlilgaw niya lalo na at hindi kami close.
"Di ba Krizzia?" Untag ni Labelle sa akin.
"H-ha?"
"Ano ba yan, kanina pa kami salita ng salita dito hindi ka naman pala nakikinig."