Labelle's POVMagugulong estudyante ang bumungad sa akin pag pasok ko ng room. May mga nag dadaldalan, nag babatuhan ng kung anu-ano may nag kakantahan, meron tahimik lang na nakaupo, may nag babasa, nag mi-make up blah blah.
Nagtungo ako sa isang upuan na bakante, pang 4th row at pang limang desk.
"Is this chair taken?" Tanong ko sa babaeng busy sa librong binabasa.
Tumingin muna siya sa akin. "I don't know. I'm also newbie here." Yun lang at binalik na nito ang mata sa binabasa.
Antipatika. Inilibot ko ang mata ko sa loob ng classroom. Wala naman siguro nagmamay-ari ng upuan na ito dahil first day of class. Hinubad niya ang bag at umupo na.
May isang lalaki ang sumulpot sa pinto. "Madlang pips. Parating na ang Exo!" Biglang nagkagulo ang mga estudyante especially mga babae.
Anu meron? Artista?
Ilang sandali pa ay may mga lalaking nag pasukan sa loob ng classroom. Tila mga siga ito dahil biglang nag sisitabi ang estudyanteng nakaharang sa daraanan nila.
Nakita kong huminto ang isa yung medyo moreno, lumapit naman ang katabi nito na tila may binulong at tinignan ang isang estudyanteng lalaki na nakaupo sa 2nd row. Dahan dahang lumapit ito sa lalaking nakaupo habang ang ibang kasama ng mga ito ay balewalang umupo sa kanya kanyang upuan ang apat sa mga iyon ay naiwan sa tabi ng morenong lalaki.
Tumahimik ang buong classroom ng itungtong ng morenong lalaki ang isang paa niya sa ibabaw ng desk ng lalaking nasa harap ng mga ito.
"Sino nag bigay sayo ng pahintulot na maupo diyan?" Tanong ng morenong ito sa lalaking nakaupo.
"W-wala namang nakaupo dito."
Nagtawanan ang mga nasa tabi ng moreno. "Hala Kai, pinipilosopo ka. Wala daw nakaupo eh anung ginagawa niya? Nakahiga? Hahaha!" Sabi ng isa sa kasama nito na may suot na sombrero.
"Hindi, akala niya siguro Chen siya si casper. Kunwari hindi natin siya nakikita! Hahaha!" Segunda naman ng naka eyeliner.
Ngumisi ang moreno na Kai pala ang pangalan. At muling tumingin ng masama sa lalaking nakaupo.
"Hindi mo ba nakita to?" May itunuro ito sa desk. Tumango ang lalaki. "Exo." Marahil binasa nito ang nasa desk.
"Good boy." Tinap pa ni Kai ulo nito. "You are siting in my chair. Alam mo ba iyon ang ayoko sa lahat?"
"S-sorry, hindi k-ko alam.."
"Hindi mo alam? Sige sabihin na nating wala kang alam. Pero naupuan mo na eh."
"S-sige, aalis na l-lang ako--"akmang tatayo ito ng biglang pigilan ito ni Kai sa balikat at pauupuin ulit.
"Sino nag sabing pwede ka ng umalis? Kakasabi ko lang diba? Sa lahat ng ayoko ay iyong may nauupo sa upuan ko."
"Kai anu plano mo? Mageenjoy ba tayo diyan?" Tanong ng lalaking matangkad napansing medyo may kalakihan ang tenga nito.
Napaawang ang bibig ko. Anong nangyayari?
"Sehun, may suggestions ka?" Tanong ni Kai.
"Yehet!"
"Tayo." Maangas na utos ni Kai sa lalaking nakaupo. "Sabi ko tumayo ka." Kinuwelyuhan nito ang lalaki ng hindi tuminag.
Napatayo tuloy ng de-oras ang lalaki. Sa nakikita ko, mukhang takot na takot na ang lalaki.
Sinulyapan ko ang ibang kasama ng mga ito na prenteng naka upo. Tila wala namang balak makialam dahil walang kumikilos sa kanila. Ni wala ngang kahit konting reaksyon ang mga itsura nito na parang sa normal na ang ganitong pangyayari.