CHAPTER 8: His Revenge

24 1 0
                                    


Luhan's POV

"Ano nangyari sa isang iyan?" Tanong ko kay D.O. ng makita kong may kung anong ipinapatak ito sa mata ni Chanyeol.

"Eh ikaw? Anong nangyari saiyo? Bakit iika-ika ka?" Ganting tanong ni D.O.

Bakit ba minsan may mga taong tanong din ang isasagot sa isang tanong?

"Wala. Natisod lang ako." Pagsisinungaling ko.

"Tch. Tanga." Si Kris.

Umupo ako sa sofa sa tabi ni Kai. "Himala, asan ang maiingay?"

"Nasa tabi-tabi lang." Sagot naman ni Suho. "Ayos lang ba iyang paa mo Luhan? Anong nangyari diyan?"

Umiwas siya ng tingin. Pesteng babae yun. Parang tigre! Ang tapang, pero aaminin kong wala akong pinag sisihan sa ginawa ko kanina.

Ilang araw na kasing ginugulo ang isip ko ng babaeng iyon. Sa buong buhay niya, ngayon lang iyon nangyari. Kaya nga nagawa ko ang bagay na nangyari kanina dahil gusto kong malaman ang mga katanungan sa utak ko.

"Mag tol!" Maiingay na dumating sila Beakhyun, Tao, Chen, at Sehun. "May balita ako. Bago."

"Tungkol na naman sa dalawang babaeng iyon?" Inis na tanong ni Kai.

"Hindi ka nakikinig. "Bago" nga diba?" Sabi ni Chen.

"Psshh."

"O eh ano naman yun?"

Tumingin sa akin ang apat na ito. "Bakit kayo nakatingin sa akin?" Tanong ko. Anong trip ng apat na-- teka...hindi kaya...??

"May hinalikan si Luhan sa library kanina." Sabi ni Baekhyun habang may nakakalokong ngiti.

"Anong bago dun? Kahit saan naman nagkakalat ng lagim iyang si Luhan." Binato ng throw pillow ni Suho si Baekhyun.

"Hindi pa kasi kami tapos." Napatayo na ako at nilapitan si Baekhyun.

"Subukan mong ituloy malilintikan ka." Inaambaan ko si Baekhyun.

Hindi ko hahayaang malaman pa ng mga ito ang ginawa sa akin ng amasonang babaeng iyon. Kaya lang nakalimutan kong hindi lang si Baekhyun ang madaldal dito.

"Pero maling babae ang nakana niya. Dahil sinipa niya si Luhan sa binti. Ang nakakatuwa pa dun, sinabihan siyang Pervert." Nag tawanan ang tarantado.

"First time yun tol. Ang tsikboy nating si Lu-lu hindi tumalab ang charm sa isang babae."

"Tigilan niyo na iyan. Masama na tingin ni Luhan sa inyo, baka kayo ang patulan niyan." Saway ni Suho.

"Pero, masarap ba Luhan? Anong lasa?" Pang aalaska ni Baekhyun. Nakatikim tuloy ito ng batok sa kanya.

"Ka lalake mong tao napaka tsimoso talaga." Napipikon na siya.

"Aissh! Ang iingay niyo!" Sigaw ni Chanyeol. Hindi pa rin nito maidilat ang mata.

"Isa pa tong si Chanyeol."

"Hoy Baekhyun tumigil tigil ka, dahil kapag ako naka recover dito yari ka sakin." Banta ni Yeol kay Baek.

"Ano bang nangyari diyan? Nanilip?"

"Hindi. Nakulam iyan." Pagbibiro ni Chen nakipag apir pa ito kay Baekhyun habang tumatawa.

"Eh ikaw Kai? Ayos na ba iyang ano mo?" Inginuso pa ni Lay ang ibabang bahagi ng katawan ni Kai.

Naguguluhan ako. May nangyari ba kanina? Nauna kasi akong dumating sa mga ito kanina. Sayang, hindi ko nasaksihan ang mga magagandang pangyayari kanina.

When EXO turn into a Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon