Jace's POV
Huminto ako sa paglalakad, pakiramdam ko kasi may naka sunod sa akin. Lumingon ako sa likod. Wala namang tao maliban sa akin. Hindi naman madilim sa kalyeng iyon na dinadaanan ko gabi gabi dahil may mga ilaw sa poste. Pero dahil gabi na at wala tao, delikado dun mag lakad ng mag isa. Galing kasi ako sa bahay nila Nseuislan. May tinapos kaming homework kasama sila Blare, Krishna at Acelmae na himalang walang importanteng pupuntahan.
Hindi naman ako natatakot kasi sanay na akong lakarin ang kalyeng iyon papunta sa bus stop. Automatikong napalingon akong muli sa likod ng may marinig akong kaluskos.
Nilukuban na ako ng takot. May sumusunod talaga sa akin. Naging mabilis ang mga hakbang ko ng hindi lumilingon sa likod. Baka kasi mahalata nitong nakaramdam ako.
Paliko na ako sa isang eskenita ng may dalawang lalaking bigla sumulpot. Hindi na ako nakahakbang dahil napansin kong ako ang hinihintay nila. Akmang babalik sa pinanggalingan ko kanina para lang mapadta. May tatlong lalaking naglalakad papunta sa direksyon ko. Humigpit ang hawak ko sa bag. Hindi ako puwedeng panghinaan ng loob. Umiwas ako at lalagpasan sana ito pero humarang ang tatlo sa daraanan ko.
"Teka, saan ka pupunta?" Sabi ng isa, hindi ko sila makilala dahil may suot silang mask.
"P-padaanin mo ako." Matapang na utos ko, kahit alam ko sa sarili ko nanginginig na ako sa takot.
"Sandali, may kailangan kasi kami-"
"Huwag mo akong hawakan!" Singhal at bahagyang umatras ng akmang hahawakan ako nitong nasa harap ko.
Nag sitawanan ang mga kasama niya. "Easy. Wala kaming masamang gagawin sayo."
Sumandal ako sa pader at nagpalipat lipat ang tingin sa mga ito. "Sino kayo?" Tanong ko.
"Hahaha. Gusto mo kaming makilala? Bakit?" Lumapit ang isa. Kahit gusto kong umatras ay wala na akong aatrasan dahil na corner ako ng mga ito.
"Hawakan niyo siya." Utos nito sa mga kasama.
Sumigaw ako ng lumapit sa akin ang dalawa at hawakan ako sa magkabilang braso. "Let me go!"
"Mamaya, pag tapos naming gawin ang gusto namin sayo."
Tumawa ito yung tipong manyak. Kinilabutan tuloy ako.
Lumapit ang manyak na ito sa akin at hinaplos ang mukha ko. Sh*t kadiri! Iniwas ko ang mukha ko.
"Pakipot pa pre!" Humalakhak ang mga kasama nito.
"Hawakan niyong mabuti iyan." Hinawakan nito ang laylayan ng uniform ko. "Huwag kang mag alala. Magugustuhan mo rin ang gagaw-" sabay sabay kaming napalingon ng marinig namin ang isang kasama nito na napahiyaw bigla.
Luhan!
Sakal sakal nito ng braso ang isa sa mga kasama ng lalaking manyak. "Isang babae laban sa limang lalaki? Hindi naman ata makatarungan iyan." Seryoso ang mukha ni Luhan habang sinasabi iyon.
"Pare, wag ka ng makialam dito."
Tumingin sa akin si Luhan. Pero hindi ko mabasa ang nasa isip niya. Tutulungan niya ba ako o hahayaan na lang?
"Pasensiya na mga brod. Pero hindi ko naman kayang pabayaan sa mga kamay niyo ang 'girlfriend' ko."
"Hah. Huwag mo nga kaming pinagloloko. Alam kong hindi mo siya girlfriend."