CHAPTER 22

16 1 1
                                    


Nseuislan


"Ang tagal ng mga bruhang iyon.." kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Jacelyn.


[Me: san kna? Txtbk!]


Mabilis itong nag reply.


[Jace: lapit na. W8 lng. Mga 5 min. :-) ]


[Me: leche, knina pa yang 'lapit na' mo. Ksma mo cla Fallon?]


[Jace: ndi. Aq lng mag isa byahe. Kanina ktxt ko cla, otw n dw cla. Ksma nia cla Krzzia.]


Sunod na tinext ko naman sila Fallon.


[Me: san n kau? Tirik na mata ko dto. Magtxt nman kau! ]


Habang inaantay ang reply ng mga bruhiladang iyon inilibot ko muna ang paningin sa paligid. Nag usap usap kaming gagala ngayon dahil saturday naman at walang pasok. Naisipan naming gumala sa mall.


Naagaw ng pansin ko ang dalawang taong mag ka holding hands na naglalakad di kalayuan sa kinauupuan kong waiting area.


Pinagmasdan kong mabuti ang dalawang iyon. At hindi ako nagkakamali. Ang magaling kong kapatid iyon, at ang kasama niya ay walang iba kundi si Clarrise na 'girlfriend' kuno nito.


Mukhang naramdaman ng kapatid kong may nakatingin sa kanya kaya lumikot ang mata nito hanggang sa tumigil iyon sa akin. Nagtaka pa ako ng makita ang itsura nito, bigla kasi itong namutla na hindi malaman.


Anong problema nito?


Niyugyog ito ni Clarrise upang kunin ang atensiyon kaya lang napatingin din ito sa akin. Kaagad hinila nito si Reyger papunta sa puwesto ko.


"Hello ate! Bakit mag isa ka dito? Nasaan si Kris?"


Kris? Sinong Kris? Kris Aquino? Lihim kong binigyan ng masamang tingin ang katabi nito. Ang siraulo kong kapatid hindi makatingin sa akin ng diretso. May naamoy na naman akong hindi maganda ah.


"H-ha?"


"Diba may Date din kayo ni Kris? Nakita nga namin siya kanina eh. Sabi ni Reyger baka nag C.R. ka lang kaya hindi ka niya kasama. Lalapitan kasi namin si Kris kaso baka isnobin lang kami lalo na at hindi ka niya kasama." Sabi ni Clarrise


Sinasabi ko na nga ba eh! Naku lord pigilan niyo sana akong sakalin sa harap ng mga taong ito ang kapatid ko!


"C-Clarrise, 'wag na nating istorbuhin ang D-date nila ate. May sarili naman tayong date." Si Reyger. Takot mabuking ang siraulo.

When EXO turn into a Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon