Author's Note :
No parts of these stories may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electric or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.
P.S. Ang istoryang ito ay gawa ng malikot na imahinasyon na author :))
ENJOY READING! ^___^
********
Grade 6 na ako noon pero nagpahatid pa rin ako sa mama ko sa unang araw ng pasukan. Transferee kasi ako. Walang kakilala at Bago lang sa lugar.
Natatakot kasi ako na baka walang kumausap sa akin.
Natatakot ako dahil baka layuan ako ng mga kapwa estudyante ko dito na para bang may sakit ako at malubha na.
Natatakot ako nà baka maging worst añg school year ko.
Sabi ni mama, may kakilala na daw siya dito. May anak din itong Grade 6 din at ka-section ko pa kaya minabuti na namin na maghintay para may makasabay ako.
Maya maya lang may dumating na isang babae na kasing edad lang ni mama. May kasama itong batang lalaki .......
At ikaw nga yun.
Hinila mo agad ako papunta sa pila natin. Ningingitian mo ako at hinahawakan mo ang kamay ko.
"Lagi ka lang humawak sa kamay ko. Ako bahala sayo. Wag na wag kang matatakot" ayun yung sabi mo sa akin.
Lagi mong hinahawakan ang kamay ko para hindi na ako matakot. Effective nga. Hindi na ako natatakot. Panatag ako at ligtas sa piling mo.
Hindi mo ako iniiwan. Magkatabi tayo sa upuan. Kasabay tayong kumakain at lagi tayong magkasama kahit pa tinatawag ka ng mga iba mong kaibigan.
Dahil siguro sa magkasama na tayo lagi. Naging mas matalik tayong kaibigan. As in, super duper over close best friend na. Mas naging close din ang mga mama natin kaya nga yun yung dahilan kung bakit mas naging close pa tayo.
"Best friend tayo ha!" sabi ko sayo habang magkatabi tayong naka-upo at nagpapahinga dahil kakatapos lang natin maglaro ng piko.
"Oo naman. Best friend forever." sabi mo atsaka mo ginulo yung buhok ko.
Nasanay na ata akong ginugulo mo yung buhok ko. Di na nabubuo yung araw ko nang hindi mo ginugulo ang buhok ko. Hobby mo na ata yun kaya nasanay na ako.
Naalala ko pa noon na magkasabay tayong nagtatakbuhan pauwi at sa sobrang ingay natin nabulabog ata natin yung mga aso.
Hinabol tayo ng mga aso sa kalye atsaka mo hinawakan ang kamay ko at sabay tayong tumakbo.
Imbes na matakot. Ewan ko ba bakit tayo tangang tumatawa.
Magkasama tayong nagtatawanan sa mga kalokohan mo. Pinaghalo mo yung harina, polvoron at pulbo na inilagay ng walang kaalam-alam na si Sen sa mukha nya yung kalokohan mo. Halos sumakit pareho yung mga tiyan natin kakatawa dahil sa ginawa mo. Tapos bubble gum naman ang nilagay mo sa bag ni Rod.
Di naman ako salbahe eh, pero ewan ko at nakiki-ride ako sa mga kalokohan mo.
Lagi din tayong nagsasabihan ng secrets. Nililigawan mo si Jean pero sa malas mo una palang basted ka na. Binigyan mo si Anne ng rose na sobrang proud ka dahil galing sa baon mo. Sinamahan pa kita sa room nila Alexa para maibigay yung chocolate sa Valentine's Day.
"Sabi ko sayo eh, tatanggapin niya yun!" sabi mo nang sobrang tuwa at tumatalon talon ka pa at napalibre mo pa ako ng favorite kong chocolate ice cream nun.
Noong araw na din yun, may inabot ka sa aking pink box. Binuksan ko agad yun dahil sa labas pa lang, ang ganda na. Sa tuwa ko, nayakap kita dahil ang binigay mo sa akin ay isang libro.
Librong gustong gusto ko ng makuha at araw araw nating tinitignan sa bookstore kung meron pa ba.
Hindi ko ding makakalimitang regalo mula sayo ay isang pink na teddy bear na sabi ni Tita ay hindi mo nakalimutan dahil para sa akin.
"Sabi ko na eh, magugustuhan mo." sabi mo sa akin atsaka gulo ng buhok ko.
March na nun at di ko pa alam kung saan ako mag-aaral ng High School. Wala pa kasing desisyon sila mama at papa.
Nalulungkot tayo pareho nun kasi baka magkahiwalay na tayo pero gumawa tayo ng iba't ibang paraan para magkasama pa din tayo.
Naglinis tayo ng bahay namin pero wala nun si mama eh kaya di siya naniwala. Ini-skype pa natin si papa mula sa Dubai para malaman nga pero sabi ni Papa, wala pa silang desisyon ni Mama hangga't sa nalaman nating oo ang sagot ni mama.
Tuwang tuwa tayo nun kaya nga nag-party tayo eh. Bumili ng softdrinks at pizza tapos nagluto ng pancit canton.
Para tayong tangang dalawa nun. Sobrang tawa tayo ng tawa.
Hindi naging worst ang school year ko dahil sayo.
Ang saya nung mga ganoong araw kasama ka.
Kasama ang ......
Best friend ko ❤
*******
Author's Note :
Sa wakas, na-publish ko din ang new chapter ng pangalawa kong story :)) Sana nadala kayo :')))
Keep on reading guys ^______^
READ ❤ VOTE ❤ COMMENT ❤ RECOMMEND
Godbless. Thankyouuuu! ^^
BINABASA MO ANG
Dear Best friend
Teen FictionMasarap magkaroon ng best friend na opposite gender noh? Ibang experience kasi mas makikilala mo ang mga lalaki pero yung iba, mas komportable sila sa mga lalaking kaibigan pero minsan hassle rin ito kasi kadalasan ikaw yung pinagseselosan ng nilili...