*Monday*
Nalaman ko kay Mommy kahapon na aalis kami ng bansa. Hindi ko sayo sinabi yun Best friend kasi alam kong malulungkot ka kapag nalaman mo. Ngayong araw na din ito, nagkatitigan tayo. Nakita ko ang mata mo. Ewan. Naiilang ka ba sa akin? Di ko alam kung yun na ba yung sinasabi nila Jon sa akin. Ikaw pa lang ang naging best friend ko na babae. At sabi nila meron daw sa dalawang mag-best friend na opposite gender ang nagkakagusto sa isa.Ewan ko kung maniniwala ako. Ewan ko kung totoo ba yun.
Posible kaya yun? May gusto ka ba sa akin?
*Tuesday*
Kagabi, tumambay tayo kina Jon. Nasa music room kami nun ni Jon. Tinanong niya na naman yung lagi niyang tanong sa akin. Kung mahal ba kita? Oo. Bilang best friend. Yun yung alam ko. Nagpaalam ka agad sa amin. Sabi mo masama pakiramdam mo. Simula nun, di ka na sa akin nagpapakita. Nagkausap naman ulit kami ng isa ko pang ka-bandmate, tinanong niya ulit sa akin ang tanong na yun. Sagot ko? Mahal kita kasi Best friend kita. Paglingon ko sa kaliwa, nakita kita. Tumatakbo palayo at umiiyak nang di ko alam ang dahilan. Simula nun, di na tayo ulit nag-usap.Unti unting tumutulo ang luha ko habang nagbabasa ako. Is this his diary? Diary para sa akin?
Nasaktan ako. Sabi ko na nga eh ...
Best friend mo lang ako.
Mahal mo ako dahil Best friend mo lang ako.
Pero ang sakit, kasi di ka sa akin nagsabi na aalis ka na pala sa bansa.
Yun pala yung dahilan kung bakit mo ako iniwan. Kung bakit wala ka.
Ayaw ko na sana basahin ang iba pa pero ewan ... Parang may tumutulak sa aking ituloy ko lang ang pagbabasa.
*Wednesday*
Malapit na yung araw na di kita makikita pero wala pa din. Di pa din tayo nagpapansinan. Kuntento na ako na tignan ka sa malayo kasama mo si Dane. Kayo na pala. Masaya ka naman kasama siya.Lumapit ka sa akin para magpaturo ng Trigo. Di ako umoo dahil kapag nangyari yun, mas magiging close pa tayo at kapag nangyari yun, masasaktan ka kapag wala na ako. Masakit man pero tinanggihan kita.
*Thursday*
Ewan ko ba kung bakit ako nasasaktan tuwing kasama mo si Dane, eh sinabi ko pa nga sayo na sagutin mo na siya. Nakita na kitang masaya kasama siya. Ngayon, alam ko na ang sagot sa tanong ni Jon?Ang selfish ko lang kasi kung kailan masaya ka na, dun ka pa to naramdaman.
Mahal na kita Lyssa. Pero pilit kong itikom ang bibig ko dahil ayokong makita kang malungkot. Masaya ka na, kuntento na ako dun.
Bumilis bigla ang tibok ng puso ko kasabay ng pag-agos ng luha ko.
Totoo ba tong nababasa ko?
Mahal niya ako?
Kung kailan wala na ako sa kanya?
Bakit kung kailan napakawalan na kita Miggy, bumalik ka at sinabi mong mahal mo ako.
*Thursday*
Totoo pala ang kasabihan na atsaka mo lang maiisip at maappreciatte ang isang bagay pag wala na. In my case, atsaka ko lang nalaman na mahal kita kung kailan wala ka na sa akin at kung kailan masaya ka na. Sorry kung naging tanga ako at di ko agad nalaman na ikaw pala ang babaeng matagal ko ng hinahanap.Mas lalong lumakas ang iyak ko pati na rin ang tibok ng puso ko.
Palabiro pala talaga ang tadhana noh? Kung kailan nasa tabi mo ako, di mo ako napapansin at ngayong wala na ako, dun mo lang nalaman ang lahat.
Nasasaktan ako sa nalaman ko. Di ko alam. Patuloy lang ang pag-agos ng luha ko.
*Friday*
Wala na ako ngayon sa Pilipinas. Malayo na rin ako sa taong mahal ko. Ang tanging dalangin ko lang ay sana maging masaya siya. Sana lagi lang siyang nakangiti katulad ng pagngiti niya tuwing nasa harapan ko siya.*Monday*
Lagi akong nakakatanggap ng message sayo. Kinakamusta mo ako. Nalulungkot ako kasi hindi ko man lang nasabi sayo ang nararamdaman ko pero para ani pa? Para sirain ko ang kaligayahan ko? Gusto ko sana replyan ang bawat message mo kaso di ko magawa eh. Ayoko maging selfish.Tuloy tuloy lang ang pag-agos ng luha ko. Speechless ako. Yun yung madedescribe ko.
*Friday*
After ng ilang taon, bumalik na rin ako sa Pilipinas. At alam mo ba kung sino agad ang pinuntahan ko? Ikaw. Nakatingin ako sa bahay mo nun. Nagdadalawang isip ako kung tutuloy pa ako hanggang sa nakita ko si Dane. Sinabi niya sa akin na mas magiging masaya ka kung kasama mo ako so he sets you free. Nagkaroon ako ng lakas ng loob na puntahan ka. Hindi man tayo nagkausap ng maayos, masaya ako na nakita kita.Last page. Putol. Putol yung sulat na ito.
Nilagay ko sa gilid ko yung notebook at patuloy na umiyak.
Di ko alam kung ano tong nararandaman ko.
Talaga bang di na kita makakasama?
Siguro nga, yun yung nakatadhana sa ating dalawa.
Sana makalimutan mo na ako.
BINABASA MO ANG
Dear Best friend
Teen FictionMasarap magkaroon ng best friend na opposite gender noh? Ibang experience kasi mas makikilala mo ang mga lalaki pero yung iba, mas komportable sila sa mga lalaking kaibigan pero minsan hassle rin ito kasi kadalasan ikaw yung pinagseselosan ng nilili...