Naglalakad ako papunta sa lugar kung saan ko napagdesisyunan basahin ang nasa loob ng puting sobreng ito.
Pumunta ako sa favorite part natin dito sa Park .....
Sa puno.
Peaceful dito kaya nga favorite part natin ito eh. Tanging naririnig ko lang ay ang mga huni ng ibon. At kung gaano kasarap ang hangin.
Sobrang hangin dito. Peaceful!
Umupo ako sa ilalim ng puno. Bago ko buksan ang sobreng hawak ko ngayon, tinitigan ko ang punong katabi ko lang.
Puno na nakasaksi kung gaano tayo naging masaya magkasama.
Kung paano natin tinatawanan lang ang mga problema.
At kung paano mo nakukuha ang puso ko dahil sa care na pinapakita mo sa akin.
Mangyayari pa kaya ang mga araw na yun?
Pagkatapos ko bang basahin ang nasa loob nito, wala na?
Tapos na. The end na?
Sana hindi.
Sana baliktad ang mangyari.
Sana simula pa lang ito.
Sana nga naramdaman mo na.
At sana nga, hindi lang ako hanggang 'sana'
Bago ko tuluyang basahin yung nasa loob ng sobre.
Tinitigan ko muna ang mga bagay na binigay mo sa akin.
Oo. Dala dala ko lahat ng yun.
Yung teddy bear, t-shirt, letters, hair clip etc.
Mga bagay na nagpapaalala sa akin na kahit minsan ay naging mahalaga ako sayo.
Na kahit 'Best friend' lang.
Pero para sa akin. Hindi lang yun.
Dahil alam mo lahat ng binibigay mo sa akin, tuwing natatanggap ko ito ay kinikilig ako.
Kaso ang mali ....
Ang manhid mo.
Hays! Buti pa yung iba, nararamdaman nila.
Umayos ulit ako ng pwesto.
Eto na yun.
Mababasa ko na din kung ano man ang nasa loob nito.
Huminga muna ako ng malalim.
Pagkabukas na pagkabukas ko pa lang sa sobre, isang notebook ang tumambad sa akin.
Kinuha ko ito at tinitigan.
'To my dear Best friend'
Binuklat ko ang pahina ng notebook at nagbasa.
BINABASA MO ANG
Dear Best friend
Teen FictionMasarap magkaroon ng best friend na opposite gender noh? Ibang experience kasi mas makikilala mo ang mga lalaki pero yung iba, mas komportable sila sa mga lalaking kaibigan pero minsan hassle rin ito kasi kadalasan ikaw yung pinagseselosan ng nilili...