Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mata ko. Bumangon ako at nakita ko ang sarili ko na nasa sofa, sa sala.
Sa sofa pala ako nakatulog, yakap yakap yung puting sobreng nakita ko kagabi na galing kay Miggy ....
Galing sa best friend ko!
Nakatingin lang ako sa isang direksyon. Akala ko totoo lahat ng nangyari kanina.
Panaginip ko lang pala.
Sa panaginip lang pala kita makakasama ulit.
Nalungkot ako dahil napanaginipan kita.
Napanaginipan kong kasama kita.
Napanaginipan kong pareho tayong masaya kapiling ang isa't isa.
Sana nga,makasama ulit kita.
Tumayo ako at nag-ayos sa sarili ko. Nagluluto ako ng almusal nang biglang dumating si Dane.
"Oh babe! Ang aga mo ata! Tamang tama nagluto ako ng almusal." sabi ko.
Hahalik sana ako sakanya pero umiwas siya. Hindi na ako umapela pa. May problema kami, nararamdaman ko yun.
Ang tanong ano.
Sabay kaming nag-breakfast. Magkatapat kami sa mesa namin at sabay kaming kumain.
Nakakapanibago lang kasi tahimik kami. Walang ni isa sa amin ang gustong magsalita.
Silence.
"Babe may problema ba?" tanong ko sa kanya atsaka ko hinawakan ang kamay niya pero imbes na hawakan niya din ang kamay ko, hindi niya ito ginawa.
"Lyssa, wala tayong problema." sagot niya.
"Wala? But why are you acting like that? Alam kong may problema."
Kilala ko na si Dane. 2 years na kaming nagkakasama so I knew him well.
"Dane."
"Lyssa, I want you to be happy ... Im setting you free." sabi niya.
What? Anong sinasabi niya?
"Masaya naman ako"
"Masaya ako kasama kita. Alam mo yan. Mahal na mahal kita. Hindi ko magawang magalit sayo. Gusto kitang makitang masaya. Ibang saya."
Tumayo ka at akmang lalabas na ng bahay pero napatigil ka ng bigla kitang niyakap.
Niyakap din niya ako katulad ng yakap ko sakanya.
"D-dane?"
"Alam kong mas masaya ka ngayon. Im setting you free Lyssa. Mahal kita kaya gusto ko maging masaya ka." sabi niya pa.
Inalis niya ang pagkakayakap ko sakanya at wala siyang awat na pumunta sa pintuan.
Bago pa siya tuluyang lumabas ng bahay, humarap siya sa akin at nagulat ako sa ginawa niya.
Ngumiti siya sa akin.
Kasabay ng pag-ngiti niyang iyon ay unti unting tumutulo sa mata niya ang patak ng luha.
Oo. Umiiyak si Dane.
"Bye" huli mong sabi at tuluyan mong isinara ang pintuan.
Nakatulala lang ako sa harapan ng saradong pintuan. Di ko alam kung bakit di tumtulo ang luha ko. Di katulad ng luha na pinakita sa akin ni Dane.
Bakit, bakit ganito ang nararamdaman ko?
At ano o sino ang tinutukoy ni Dane na magpapasaya sa akin?
Si Miggy ba?
Talaga bang sasaya ako kasi nagbalik na siya?
BINABASA MO ANG
Dear Best friend
Novela JuvenilMasarap magkaroon ng best friend na opposite gender noh? Ibang experience kasi mas makikilala mo ang mga lalaki pero yung iba, mas komportable sila sa mga lalaking kaibigan pero minsan hassle rin ito kasi kadalasan ikaw yung pinagseselosan ng nilili...