Nagising ako sa tunog ng phone ko na nasa tabi ko lang.
Nakatulog pala ako sa ganitong pwesto-Yakap yakap ang teddy bear at nasa tabi ang phone at puting sobreng di ko alam kung ano ang nasa loob.
From : Best friend ❤
Oo. Ako yun. Basahin mo na ang nasa loob ng sobre.Basa ko sa text sa akin galing sayo.
Napabangon ako sa nabasa ko. Paulit ulit kong binasa yung message na galing sayo.
Akala ko namamalikmata lang ako pero totoo pala.
Nalaman ko sayona siya na ikaw nga yun. Ikaw yung taong nakita ko.
Sabi ko na eh, di ako nagkakamali.
Alam ng puso't isipan ko na ikaw yun.
Kinuha ko yung puting sobreng nasa tabi ko lang din.
Tinitigan ko ito. Mababasa na din kita.
Di ko alam kung anong laman ng sobreng ito.
Basta nararamdaman ko mahalaga ito.
Bubuksan ko na sana ang sobreng hawak ko para simulan na ang pagbabasa pero natigilan ako.
Mas maganda kung sa isang mahalagang lugar ko ito babasahin.
Dali dali kong inayos ang sarili ko at pumunta sa isang mahalagang lugar.
Lugar na kailanman di ko makakalimutan.
Lugar na mananatili sa puso ko.
BINABASA MO ANG
Dear Best friend
Teen FictionMasarap magkaroon ng best friend na opposite gender noh? Ibang experience kasi mas makikilala mo ang mga lalaki pero yung iba, mas komportable sila sa mga lalaking kaibigan pero minsan hassle rin ito kasi kadalasan ikaw yung pinagseselosan ng nilili...