XXIV ❤

21 8 1
                                    

Lumipas na ang araw. Wala na si Dane at ni minsan ay hindi ka na din bumalik pa sa bahay.

Ewan ko ba kung bakit pa ako umaasa. Katangahan ko lang kasi naniniwala pa ako na mangyayari ang mga bagay na imposible.

Pero alam mo ba kung ano ang lagi kong dala?

Hindi ko na ma-alis alis sa sarili ko ang puting sobreng inawan mo sa bahay ko.

Oo. Umaasa akong makikita kita.

Umaasa akong magkikita tayo at makakasama.

At balang araw mababasa ko kung ano man ang meron dito.

Nasa Park ako ngayon. Sa park na lagi nating pinupuntahan noong magkasama pa tayo noon.

Umupo ako sa bench at inilabas ko yung puting sobreng iniwan mo sa akin.

Paulit ulit ko itong binabasa yung maiksing note na nasa harapan ng sobre at tinititigan. Napatawa ako sa naisip ko.

Hindi kayo niloloko mo lang ako? Pinagtitripan?

Kasi alam mo din na imposible na tayong magkita pa.

Pero ewan ko ba. Patuloy pa ring umaasa ang puso ko.

Nakakita ako sa park ng nagtitinda ng dirty ice cream.

Napangiti ako kasi naaalala kita. Sabay tayong kumakain habang nagtatawanan.

Lumapit ako sa nagbebenta ng ice cream.

"Manong chocolate ho!" sabi ko.

Lumingon sa akin ang vendor.

"Oh hija. Long time, no see. Ngayon ka nalang ulit bibili ng ice cream ko ah!" sabi ni Manong.

At nagflashback sa utak ko ang lahat.

Oo. Si manong. Siyang nagtitinda ng ice cream, suki na niya kami. Siya ang laging nagbebenta sa amin.

"Ay manong! Dito pa din po pala kayo? Kamusta na po?" tanong ko sa kanya habang inihahanda niya ang ice cream na binibili ko.

"Eto ayos lang. Ice cream vendor pa-minsan minsan tapos sa awa ng Diyos, may maliit na rin kaming tindahan sa bahay.Ikaw kamusta kana? Asensado ka na ah. Oh bat ka pala nag-iisa? Asan ang nobyo mo?"

Mabilis nga lang ang panahon pero makikita mo kung gaano karami ang nagbago.

"Po? Sinong nobyo?" nagtatako kong tanong habang unti unti ay kinakain ko na ang ice cream.

"Hay nako hija. Yung nobyo mo. Yung lagi mong kasama dito at bumibili ng tinda ko."

Napangiti ako bigla sa sinabi niya. Si Miggy ang tinutukoy niya.

Nobyo? Nako! Imposible! Kung ganoon lang sana kadali at mismong sa kanya na din nanggaling ang lahat ...

Hanggang best friend lang kami.

"Manong, hindi ko po siya nobyo. Best friend ko po siya. Simula noong elementary pa po ako." sabi ko at ngiti.

Oo. Best friend ko lang po talaga siya. Hanggang best friend lang talaga.

"Talaga? Nako Hija, pasensya. Pero sayang lang at di ka niya niligawan." sabi pa ni Manong.

Nalungkot ako ng lihim. Opo Manong, kailanman di sinadya ni Miggy na ligawan ako.

"Nako! Wala pong ganun."

"Alam mo ba na maganda na ang maging kasama sa buhay ay ang best friend mo kasi kilala niyo na ang isa't isa. Ito talagang best friend mo oh. Bakit kaya di niya naisip yun?"

Buti pa si Manong, alam niya yung mga ganoong bagay. Alam niya na mas maganda kasama ang best friend mo.

Ganun din ang naiisip ko kaya nga di ako nagsisisi kahit pa na minsan alam kong nasasaktan ako at umaasa.

Ikaw kaya, kailan mo kaya maiisip na mahalaga ako dahil sa hindi mo lang ako best friend.

Araw. Minuto. Buwan. Taon na rin ang lumipas pero eto ako oh, bukas ang puso ko kung sakaling bumalik ka at yakapin mo ako.

Ikaw kaya, ganun ka pa din kaya?

Manhid ka rin pa kaya?

Nagpaalam ako sa nagtitinda ng ice cream.

"Huwag niyo akong kalimutan kung sakali ha!" huli niyang sabi na tinanguan ko lang siya at ningitian.

Kung mangyayari po sana ang nasa isip natin pareho Manong.

Sana nga.

Sana nga hindi lang ako aasa.

Sana maging totoo na lahat.

Dear Best friendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon