IX ❤

44 16 4
                                    

Naglalakad ako papunta sa Locker ko nang makasalubong ko si Dane, yung taong umamin sa akin at nagtanong kung pwede ba niya ako ligawan kaso di ko pa din masabi sakanya yung oo.

Anong magagawa ko? Anjan ka eh. Ikaw yung nasa puso ko. Di mo man alam pero ayoko naman na maging panakip butas si Dane sa katangahan kong ito.

Wala naman problema kay Dane eh. Gwapo siya, matalino, mabait, gentleman. Kaso ang problema talaga ay ang puso ko.

"Lyssa." bati sa akin ni Dane.

"D-dane." sabi ko

"Lyssa, tatanungin ko ulit sayo yun. Pwede ba akong manligaw?" tanong mo

"Pag-iisipan ko Dane." sagot ko sayo atsaka ako naglakad palayo.

Wala namang kakaiba sa sagot ko sa kanya eh. In fact, ayun lagi ang sagot ko sayo everytime na tatanungin mo ang tanong iyon.

Naglalakad na ako pauwi nang makita ko ikaw, nakatayo sa pagitan ng mga puno.

"Magpapakapre ka ba jan?" asar ko sayo atsaka sumabay ka sa akin sa paglalakad.

"Bat di mo pa ba sinasagot si Dane?" tanong mo sa akin.

'Kasi nga mahal kita. May mahal na ako.'

Mga salitang gusto kong isagot sayo at mga salitang gusto ilabas ng bibig ko kaso alam kong di ko kaya.

"Wala namang problema sa kanya ah. Gwapo siya. Mabait. Matalino." dagdag mo ba.

Hay Miggy! Bakit ba kasi isa ka sa mga manhid na tao? Bakit ang manhid manhid mo?

Naiinis ako kasi parang pinagtutulakan mo ako sakanya. Nakakainis dahil di mo ako laging napapansin.

Ngumiti ka sa akin. Ngiting excited kasi parang sinasabi mo na sa wakas, malapit na ako magkakaroon ng boyfriend.

Nakakairita lang kasi yung ngiting yun iba ang ibig sabihin.

Pinagtutulakan mo ako sa iba.

"Bakit ba kasi di mo pa sinasagot ang isa sa mga manliligaw mo?" you asked.

"Dahil ayoko pa." matamlay kong sagot sayo.

'Ayoko kasi ikaw lang gusto ko'

Kataga ulit na gusto kong sabihin kaso mahirap na naman.

Kinurot mo ang pisngi ko atsaka ningitian mo ako at ginulo ang buhok ko.

Yang ngiting yan, isa yan sa dahilan kung bakit ako patuloy nahuhulog sayo.

Sayong ......

Best friend ko.

Bakit kasi di mo pa ramdam ha? Bakit? Bakit? Bakit?

Isa lang naman kasi ang gusto ko .....

Ikaw.

Ikaw na ang turing sa akin ay ...

Best friend .

Dear Best friendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon