After ng narinig ko last time sayo, ewan ko bakit ganito. Ayoko ko ng magpakita sayo kaya nga hangga't maaari, iniiwasan kita o tinataguan.
Naglalakad ako nun sa Hallway nang makita kita sa gilid kasama si El, isa din sa mga ka-banda mo.
Syempre, nagtatago ako sayo nun kayo nagtago ako. Ayoko magpakita sayo.
Kaso may narinig na naman ako. Nasaktan na naman ako ng dahil sayo.
"Oh bat di mo ata kasama si Best friend mo?." rinig kong tanong ni El sayo. Yung best friend na yun, alam kong ako ang tinutukoy :3 Nanaman!? =_____=
"Ewan. Di ko na nakikita eh after nung tambay kina Jon." sagot mo. Sana nalaman mo kung ano ang naging rason ko jan that time.
"Nako! Baka may nasabi ka ha! Di mo ba gusto si Lyssa? Maganda naman siya ah." sabi pa ni El.
"Ano bang pinagsasabi mo? Bestfriend lang kami nun." sabi mo Miggy.
At unti unti na namang tumulo ang luha ko. Narinig ko na naman ang mga salitang yun.
"Ano ka ba Bro. Minsan merong isa na nagkakagusto sa bestfriend niya noh." dagdag pa ni El.
Buti pa ang mga kaibigan mo Miggy, hindi manhid. Eh ikaw? Di mo alam na mahal kita at nasasaktan ako ngayon.
Tumakbo ako palabas ng campus. Di na ako pumasok sa mga next classes ko. Umupo ako sa isang bench sa park nang may nag-abot sa akin ng panyo.
Kinuha ko ito at tinignan kung sino ang nagbigay. Si Dane.
Niyakap kita agad dahil sa sobra akong nasaktan. Sa balikat mo ako umiyak.
Pangalawang beses ko na narinig yung mga salitang yun. But still, nasasaktan pa din ako at patuloy na umiiyak.
Best friend lang tayo ....
Oo. Mag-best friend lang tayo.
Ang tanga ko nga eh kasi patuloy kitang minamahal kahit pa ang kapalit nun ay masaktan ako. Lumuha.
Ang tanga ko din dahil hindi ko maipasok sa kukote ko na hanggang Best friend lang talaga tayo.
Lang. Best friend lang.
See? Ganyan ako naging kabobo at naging katanga ng dahil sayo.
Ng dahil sa pagmamahal ko sayo na ang tanging kapalit ay ang pagluha ko.
"Dane, pinapayagan na kita. Pumapayag na ako na ligawan mo ako."
BINABASA MO ANG
Dear Best friend
Teen FictionMasarap magkaroon ng best friend na opposite gender noh? Ibang experience kasi mas makikilala mo ang mga lalaki pero yung iba, mas komportable sila sa mga lalaking kaibigan pero minsan hassle rin ito kasi kadalasan ikaw yung pinagseselosan ng nilili...