Masakit man pero pinilit kong kalimutan kita.
Pinilit kong maging masaya sa iba.
Hindi man ganun kasaya pero pinipilit ko pa din.
Di pa ako sigurado sa nararamdaman ko para kay Dane.
Sinagot ko si siya. Sinagot ko si Dane.
Wala naman kaming naging problema ni Dane. Mabait siya. Caring. He always makes me smile. Pinapasaya niya ako at lahat gagawin niya.
'I love you'
'Mahal Kita'
Mga salitang lagi sa aking sinasabi ni Dane sa akin kahit na ni minsan ay di ko siya sinabihan nun.
Sabi pa ni Dane, he's willing to wait. Handa siyang maghintay kung kailan ko din sasabihin sa kanya yun.
In fact, Im really lucky to be Dane's girl. He's really a boyfriend material. Lahat ata ng characteristics ng dapat magkaroon ng boyfriend ay nasa kanya and Im glad that he is always there for me.
Kahit pa na wala na ang Best friend ko.
Hindi lang boyfriend ang naging role ni Dane sa buhay ko. He's also my bestfriend now.
Nalulungkot ako kasi wala ka na. Tuluyan mo na talaga akong iniwan without saying goodbye.
Dumaan ang araw, buwan at taon.
Whoa! 2 years na kami ni Dane at graduate na ng College.
Ang bilis talaga ng panahon kasing bilis ng pagwala mo.
Ang pagwala ng Best friend ko.
Para kang bula na nawala. Hindi ko na alam kung nasaan ka. Hindi ko na alam kung kailan at kung saan kaya kita makikita muli.
"Ano kayang magandang business?" tanong ko kay Dane.
"Ahm ... Cupcakes! I will bake then we will decorate it together. " suggestion ni Dane.
Tama siya. Maganda yung business. Tutal, isa na naman siyang pastry chef.
Yun na nga! Magkasama kaming nagbibake at nagdidecorate ng mga cupcakes na ibebenta namin.
Sabi nila, natuturuan daw ang puso umibig, magmahal.
At oo nga. Dahil nangyari na yun.
Sa una, talagang mahirap. Gusto ko na si Dave pero ikaw laman ng puso ko. Mahal pa din kita pero nang marealize ko ang dapat at nang humarap ako sa katotohanan, alam kong mali yun.
Hanggang sa nalaman ko sa sarili ko na :
Mahal ko na rin si Dane.
BINABASA MO ANG
Dear Best friend
Teen FictionMasarap magkaroon ng best friend na opposite gender noh? Ibang experience kasi mas makikilala mo ang mga lalaki pero yung iba, mas komportable sila sa mga lalaking kaibigan pero minsan hassle rin ito kasi kadalasan ikaw yung pinagseselosan ng nilili...