XIII ❤

35 9 4
                                    

Di ko maitagong tignan ka sa malayo kahit pa na sinabi ko sa sarili ko na kalimutan na kita.

Best friend kita.

Mahal kita.

Kaya nga patuloy pa din kitang tinitignan. Chinicheck kung okay ka kahit pa nasa malayo ako at alam kong masasaktan.

Di ko kaya na hindi ka pansinin eh. Di ko kayang hindi ka makita.

Ewan ko ba kung alam mo na ang dahilan kung bakit kita nilalayuan. Di mo na din ako pinapansin. Eh hindi mo nga ako nilapitan. Di mo ako tinanong kung may problema ba ako, kung bakit kita nilayuan at tinataguan.

Basta isang araw lang, nakikita mo ako pero kahit ni minsan di mo ako tinangkang lapitan at kausapin.

Di ako mapakali na hindi kita kausapin. Kung ano anong rason ang naiisip ko kaso Im not that confident kung kapani-paniwala ba.

Hanggang sa nagkaroon tayo ng Activity sa Trigo.

"U-uy!" tawag ko sayo habang kinalabit ko ang balikat mo. Lumingon ka naman at humarap sa akin kaso yung pagharap mo nun iba.

Ibang iba. Kasi dati, guguluhin mo agad ang buhok ko but now, tinititigan mo lang ako na para bang di mo ako kilala.

Parang Im a complete stranger.

At ang masakit, parang nakalimutan mo ako, akong Best friend mo

Pero kahit ganun, nilakasan ko pa din ang loob ko. Umaasa akong papansinin mo ako.

Oo. Ang tanga ko na naman kasi naisipan kong lapitan ka. Eh ano magagawa ko, Best friend kita eh.

Di ka nag-respond sa sabi ko sayo. Nakatingin ka lang sa akin at binigyan mo ako ng 'What?' stare.

"A-ah ... A-ano Miggy. Papatulong sana ako s-sayo eh." sabi ko nang nauutal. Kinakabahan ako. Ang awkward na ang lahat sa atin :3

"Ano yun?" direct to the point mong tanong.

Nilabas ko yung isang folder sa labas ko atsaka itinapat ito sayo.

"A-ah Miggy, may a-activity kasi diba sa T-trigo ... Ano k-kasi eh .... Ang hirap. M-magaling ka sa trigo kaya s-sayo ako lumapit." mahaba kong sabi.

Di ka pa din sumasagot. Tumingin ka muna sa folder kong hawak tapos sa akin naman.

"Alam mo naman kung sino magaling sa ganyan diba?" tanong mo sa akin.

"M-mahirap kasi Miggy. A-alam kong kaya mong sagutin to." paliwanag ko.

"Magaling ka jan. Bakit kailangan mo pa ako? Matalino ka at wala akong maitutulong sayo." sabi mo ng diretso.

Aww. Eto ba talaga ang Best friend ko? Why is he talking me like that? Nagbago na naman ang pagtrato niya sa akin.

"Can I leave you now? Im busy." sabi mo.

Tumango lang ako atsaka ka dire-diretsong naglakad palayo.

Wala. Wala akong napala.

Nag-iba ka na.

Di na ikaw yung lalaking nakilala ko.

Dear Best friendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon