Pinatuloy kita sa loob ng bahay ko. Binigyan ng juice at pareho tayong nakaupo, magkatapat sa sofa.
Hindi ko maiwasang hindi ka titigan.
Ewan. Parang kani-kanina lang kasi, iniisip kita.
Iniisip ko kung imposible kaya tayong magkita pa.
Then ito na ... Kaharap na kita.
Tahimik lang tayo dalawa. That awkward moment.
Awkward na talaga.
Tanging ang ingay lang ng tv ko ang sounds sa paligid hanggang sa ikaw ang nagsalita.
"Kamusta?" tanong mo sa akin.
Ningitian mo ako ng parang walang nangyari. Parang walang nakakainis at nakakaasar na nangyari bago ka nawala ng parang bula.
Nakakaasar kasi parang nakalimutan mo lahat ng yun.
"Okay lang." sagot ko naman.
Ayan na naman. Tahimik na naman ang kapiligiran.
Parang takot ang isa man sa atin na magsalita kasi piling pili yung mga salitang lumalabas sa bibig natin.
Awkward Silence ...
"Kayo pa din?" isa mo pang tanong.
Tumingin ka sa mga mata ko. Diretsong tingin na parang interesadong interesado ko na malaman kung ano ang meron sa amin ni Dane.
Alam kong si Dane yung tinutukoy niya. Hindi ko sayo sinabi yung bagay na yun pero alam mo.
I just smiled and nod.
"Halata nga. Masaya ka." sagot mo.
Yung sinabing mong yun, malalim ang kahulugan.
"Pano mo nalaman?" I asked.
"Kalat na sa school bago pa ako umalis." sagot mo.
Aww. Halatang di mo pinilit ang sarili mo na alamin kung kamusta na ba ako. Parang sinasabi mo din sa akin na wala kang pakialam sa akin.
Parang hindi mo ako naging Best Friend ....
We've been best friends for many years pero parang agad agad lang di na kita kilala.
Di katulad noon na wala tayong pakialam. Basta ang sa atin lang ay pareho tayong tumatawa.
Siguro nga di na maibabalik ang lahat.
Maraming taon na rin ang lumipas at malamang, marami na ding nagbago.
Sayo. Sa akin at sa atin.
May sarili ka ng buhay ngayon at meron din ako.
Simple lang, may kanya- kanya na tayong buhay.
Hindi na tayo yung dating ...
Best friend ❤
BINABASA MO ANG
Dear Best friend
Teen FictionMasarap magkaroon ng best friend na opposite gender noh? Ibang experience kasi mas makikilala mo ang mga lalaki pero yung iba, mas komportable sila sa mga lalaking kaibigan pero minsan hassle rin ito kasi kadalasan ikaw yung pinagseselosan ng nilili...