Tuloy tuloy lang ang pag-agos ng luha ko.
Parang may kirot sa puso ko nung sinabi niya yung salitang iyun sa harapan ko.
Pinunasan ko na yung luha ko para makababa ako agad at para maharap ko na siya.
Nakakalungkot man pero kailangan ko siyang harapin.
Bisita ko siya at pambabastos naman kung hindi diba?
Inayos ko ulit ang sarili ko at naghilamos para hindi niya mahalata na umiyak ako.
Pagkatapos ay bumaba na ako.
Huminga ako ng malalim. Bahal na kung ano man ang isasagot ko sa mga tanong niya sa akin.
Tatawagin ko na sana ang pangalan niya at para makahingi din ako ng patawad dahil sa iniwan ko siya pero wala na akong Miggy na nakita na nakaupo sa sofa ko.
Lumapit ako sa sofa. Di ko alam kung nasaan na siya.
Chineck ko din kung nasa labas siya pero ni anino wala.
Katulad nung dati niyang ginawa sa akin, umalis siya ng walang paalam.
Nakakaiyak isipin na saglit lang ang pagkikita naming iyon.
Iniwan niya na naman ako. Di man lang niya ako niyakap katulad ng yakap ko sakanya everytime na iiyak siya at nasasaktan.
Bumalik ako sa sala at umupo sa sofa. Sa sofa na kanina ay inuupuan niya.
Habang nakaupo ako naramdaman ko na may isang puting sobre ang nasa tabi ko.
Kinuha ko ito at hinarap sa akin. May nakasulat ito.
To : Lyssa.
Kung nakikita mo man ito, sana nababasa mo. Wag mo muna ito babasahin tsaka na kapag nagkita na ulit tayo kung posible man yun.-Best friend
Ayun yung nakita kong nakasulat sa harapan ng envelope.
Bestfriend?
Galing ito kay Miggy malamang.
Pinaalala niya pa na wag ko muna itong babasahin hanggat hindi pa ulit kami nagkikita.
Pero imposible kaya yun?
Makikita ko pa ba siya?
At mababasa ko pa kaya itong hawak ko?
Wala akong kaalam alam sa kung ano man ang nasa loob nitong puting sobreng ito.
Galing ito kay Miggy at base sa sinasabi niya alam kong mahalaga ito.
Unti unti ulit tumulo yung luha ko mula sa mata ko.
Hindi ko nakausap ng maayos ang Best friend ko.
Sa pagkawala mong yun, akala ko kaya kitang kalimutan at magmahal ng ibang tao higit pa sa pagmamahal ko sayo.
Pero mali pala ako, nagbalik ka na ngayon at narealize ko,
Kailanman di kita nakalimutan.
At kailanman di nabura ang pagmamahal ko sayo.
BINABASA MO ANG
Dear Best friend
Fiksi RemajaMasarap magkaroon ng best friend na opposite gender noh? Ibang experience kasi mas makikilala mo ang mga lalaki pero yung iba, mas komportable sila sa mga lalaking kaibigan pero minsan hassle rin ito kasi kadalasan ikaw yung pinagseselosan ng nilili...