Brokenhearted ka noon kaya nga pumapayag ako na samahan ka. Sabi mo pa, mga "steps" yun para mas madali kang mag-let go so andito lang ako.
Best friend kita. Sasamahan kita. Susuportahan kita. Dadamayan. Nandito lang ako kahit anong mangyari.
Mahal na mahal mo si Kate kaya nga napansin ko na mas nahirapan kang mag-move on kesa sa una mong naging girlfriend.
Nasan na yung sinasabi mong accept Miggy?
Pero sino ako para sabihin sayo yung mga katagang iyon? Eh ako nga itong ilang taon ng di maka-let go sa feelings ko for you at di ma-accept na hanggang Best friend lang.
Ewan ko ba kung anong naisipan mo at napasok sa utak mo at pumunta tayo sa bar.
First time nating dalawa ang pumunta sa gantong klaseng lugar. Di namin kasi tayo mga party people.
Umorder ka ng alak sa counter. Uminom. Naglasing.
Sabi nga nila kapag nalasing ka, dadaldal ka. Lalabas yung katotohanan. Tama nga nagsalita ka nang nagsalita hanggang sa unti unting tumutulo ang mga luha mo. Umiiyak ka sa harapan ko na halata naman kung gaano ka nasaktan.
Sobrang lungkot ng mga mata mo. Sobra kang nasasaktan sa pag-iwan sayo ni Kate.
"Ganun ba kadali ang lahat para sa kanya?" tanong mo habang umiiyak ka at tuloy tuloy lang ang pag-lagok mo ng alak
Hinawakan ko ang balikat mo at ngumiti ako sayo. Ngiting nagpapakitang andito lang ako. Dadamayan ka.
Tuloy tuloy pa din ang pag-agos ng luha mo tapos niyakap mo ako ng sobrang higpit at maya maya lang ay bumitaw ka at pinunasan mo ang mga luha mo.
"Salamat Lyssa ha!" sabi mo.
Ang sarap sa feeling na natulungan ko siya kahit pa na ako lang itong nagfifeel na special pero ang katotohanan ay Best friend mo lang ako.
Ngumiti ka at ngumiti din ako tapos maya maya lang para naman tayong tumawa nang sabay.
"Sabi ko sayo eh, step to sa pag-let go bukod sa pag-accept."
Ang paglalasing? Kung ganun lang sana kadali. :(
Hinili mo ako palabas sa bar. Hinawakan mo ang kamay ko. Ang sarap sa pakiramdam. Katulad nang sinabi mo sa akin ng una tayong nagkatagpo, ligtas ako kapag hawak mo ang kamay ko.
Tumakbo tayo nang tumakbo. Di natin pareho alam kung saan tayo pupunta. Wala akong pakialam. Kung saan man dahil ang mahalaga ......
KAPILING KITA ♥
Huminto tayo sa isang napakagandang lugar.
Peaceful ang lugar. Walang gaanong tao. Maraming puno. Mahangin. Naririnig ko ang huni ng ibon.
Umupo tayo sa damuhan. Magkatabi at parehong nakangiti. Ang saya ko dahil kasama ko siya.
"Malapit na ang sun rise." sabi mo.
Ngayon, alam ko na kung ano ang pinunta natin sa lugar na iyon.
Pareho tayong nakatingin sa malayo. Pinagmamasdan kung gaano kaganda ang pagsikat ng araw.
"Bagong araw, pag-asa" sinasabi mo habang nakatingin tayo sa malayo
Tama si Miggy. Habang patuloy ang pag-sikat ng araw, laging may pag-asa.
That time, wala akong iniisip. Hindi ko alam kung I will be yours or you will be mine some day.
Ang mahalaga? Nakangiti ka na ulit. Nakalimutan mo na siya.
Nagbabalik na ang Bestfriend ko ❤
BINABASA MO ANG
Dear Best friend
Teen FictionMasarap magkaroon ng best friend na opposite gender noh? Ibang experience kasi mas makikilala mo ang mga lalaki pero yung iba, mas komportable sila sa mga lalaking kaibigan pero minsan hassle rin ito kasi kadalasan ikaw yung pinagseselosan ng nilili...