Nagmumukmok ako sa loob ng kwarto ko. Katulad ng dati, basa basa ng iba't ibang stories.
Ewan ko ba bakit sobrang fan ako ng mga Love story ng mga mag-Best friend na yung isa may lihim na gusto sa best friend niya kaso pinapanatiling lihim kasi mas gustong mangibabaw ang Friendship kaysa sa nararamdaman niya na walang kasiguraduhan.
Fan ako, malamang kasi relate na relate ako. Magkakatulad ang mga kwento namin. Ang pagkakaiba lang, baka hindi kami hanggang dulo.
Dali dali akong nag-ayos ng sarili ko kasi bigla kong naalala na tatambay pala tayo sa ka-band mate mo na si Jon.
Isang sikat na Vocalist si Miggy sa isang banda. Champion sila tuwing Battle of the Bands.
"Oh bat late ka?" tanong mo.
"Nakalimutan ko kasi eh." sagot ko naman.
"Grabe ka! Nakakalimutan mo na pala ako." sabi mo na kunyaring nagtatampo.
Binigyan lang kita ng 'Whatever-Wala-akong-pake stare'
Lumapit ka at ginulo mo na naman ang buhok ko. Tapos nagtawanan tayo nang sabay.
Ganun talaga siguro kapag kasama mo yung taong mahal mo, mapapatawa ka kasi anjan siya.
Iniwan mo ako sa sofa atsaka pumunta sa music room ni Jon nang marinig ko yung pag-uusap niyo.
"Pre, di ka pa ba jan na-iinlove kay Lyssa?" tanong sayo ni Jon.
Di naman ako naririnig sa usapan ng iba eh. Kaso narinig ko ang pangalan ko plus yung tanong ni Jon ay between sa atin.
"Alam mo bang marami ng nagkatuluyan dahil sa umpisa mag-best friend sila." dagdag pa ni Jon.
"Imagination lang yung ganoong story. At hindi kami kasama ni Lyssa sa ganun." sagot mo.
Aww. Manhid ka talaga. Di mo alam na itong best friend mo may gusto na sayo. Mahal ka na niya at kailanman, di naging imagination yun.
"Best friend lang kami." pahabol mo pang sabi.
Aww. At nasaktan na naman ako. First time ko narinig yun galing sayo. Ang sakit!
Ang sakit pala kapag narinig ko yung mga salitang yun sayo. Sa mismong, bibig mo.
Tumayo na ako at nagpaalam sayo.
"Oh. Kakadating mo pa lang ah. Bat ang bilis?" tanong mo.
"A-ano k-kasi ... Masakit ulo ko. M-masama pakiramdam ko." sagot ko sayo atsaka ako naglakad palabas sa bahay na yun.
Nakakainis kasi sinabi mo yun. Nakakainis kasi narinig ko yun galing sayo.
Kawawang ako, patuloy na umaasa sa wala.
Umakyat ako sa kwarto ko at doon ako umiyak nang umiyak. Sobra akong nasasaktan.
'Best friend lang kami.'
'Best friend lang kami.'
'Best friend lang kami.'
Halos gusto ko ng iuntog itong ulo ko dahil paulit ulit na pumapasok sa isipan ko yung isang linyang sinabi mo.
Whoa! Ang powerful ng linyang yun. Sumapol bigla sa akin. At parang automatic na akong nagkaroon ng sakit.
Bestfriend lang tayo.
Bestfriend lang.
Kahit kailan di tayo matutulad sa mga Best friend's love story na nababasa ko.
Kasi sa dulo, hindi tayo.
BINABASA MO ANG
Dear Best friend
Teen FictionMasarap magkaroon ng best friend na opposite gender noh? Ibang experience kasi mas makikilala mo ang mga lalaki pero yung iba, mas komportable sila sa mga lalaking kaibigan pero minsan hassle rin ito kasi kadalasan ikaw yung pinagseselosan ng nilili...