Sa ilang taon nating pagsasama, ewan ko ba bakit hindi napupukaw ang atensyon ko sa iba.
Maraming nanliligaw sa akin. Nagsasabi ng nararamdaman nila kaso hindi ko maibalik sa kanila yun.
Ang hirap para sa part ko.
Ewan, ikaw lang kasi Miggy yung tanging lalaking nasa puso ko.
Minamahal ng palihim kahit na alam kong wala naman.
Walang patutunguhan ang lahat.
Pero patuloy pa din akong umaasa.
Naglalakad tayong dalawa nun sa loob ng Mall. Nakagawian na natin kasi magkaibigan ang pumunta sa Mall after ng klase tuwing Saturday Class.
Pumasok tayo sa loob ng isang restaurant at doon tayo kumain.
Ang daming couples sa loob ng resto. Sa totoo lang, nakakainggit. Ang saya nila. Yung babae, kinikilig. Nakabihis ng maayos at magkasamang nagpapalitan ng ngiti. Halata sa mga mata nila na masaya sila.
Tumingin ako sayo. Busy ka sa pagtingin ng menu dahil nga sa gutom ka na.
Mas masaya sana kung katulad namin sila. Kaso ang masakit, hanggang imagination ko lang yun.
Hanggang imagination mo lang Lyssa
"Lyssa, Yuhooo!"
"A-ay!"
"Lalim ng iniisip. May di ka sa akin sinasabi noh?" tanong niya sa akin.
Oo. May di ako sinasabi sayo. Gusto kita. Tanga akong umaasa.
Kumakain tayo nun nang may lumapit sa ating isang staff ng restaurant.
"Hi po Sir and Maam. Congratulation po. Kayo ang 100th couple na pumasok sa Resto namin." sabi sa atin.
Nagtinginan tayo. Nagtataka kung ano sinasabi ng taong nasa harapan natin.
"At ang prize niyo po Maam at Sir ay ito."
Nagpapalakpakan at nagngingitian yung mga taong nasa paligid natin noon nang ilabas ang premyo daw natin na isang certificate para sa isang date.
Tinanggap mo yun at nagpasalamat pero naisip ko, bakit di ka tumanggi. Bakit di mo sinabi yung totoo, na di naman talaga tayo couple.
Na walang ano mang namamagatin sa ating dalawa kundi ang totoo'y hanggang Best friend lang talaga tayo.
Best friend lang.
"Bat mo tinanggap?" tanong ko kasabay nun ay ang pagtawa mo.
"Para magkaroon tayo ng friendly date." sagot mo.
Friendly date? Pwede bang tanggalin mo na lang ang friendly?
Date. As in, date talaga na karaniwang ginagawa ng mga lovers.
Kaso sinuntok na naman ako ng katotohanan at sinabing ....
Hanggang friendly date lang. Wag ka ng umasa.
Dumating yung araw na yun, friendly date man ang tawag mo dun, nag-ayos pa din ako.
Gusto kong sabihin mo akong maganda kahit na alam kong Best friend lang kita.
Sinundo mo ako sa bahay at ang kotse mo ang ginamit natin.
"Ang ganda mo ngayon Best friend ha!" sabi mo habang nag-dadrive ka.
Naramdaman ko na naman yung nararamdaman ko tuwing ningingitian mo ako, yayakapin mo ako at ipapa-feel sa akin na Special.
Kinikilig ako ngayon. Ayan na naman yung mga butterflies sa tummy ko at ang puso ko tumatalon sa saya.
At ayun nga, nagkaroon tayo ng friendly date. Sobrang ganda. Talagang naka-set sa totoong couples.
Katulad tuwing lumalabas tayo nang magkasama, ganun lang din ang nangyari. Nagngitian tayo. Nagtawanan. Nagkwentuhan.
Hanggang sa may kinuwento ka na namang isang babae na gusto mo.
Eto na naman ako .... Yayakapin mo kapag sinagot ka niya at kapag iniwanan ka.
Tutulungan kita sa iba't ibang pakulo mo para lang mapangiti mo siya samantala ako iiyak dahil sa katangahan ko.
Liligawan mo na siya. Yun yung sabi mo. At sobrang saya mo nun.
Miggy, andito lang ako kapag yayakapin mo.
BINABASA MO ANG
Dear Best friend
Teen FictionMasarap magkaroon ng best friend na opposite gender noh? Ibang experience kasi mas makikilala mo ang mga lalaki pero yung iba, mas komportable sila sa mga lalaking kaibigan pero minsan hassle rin ito kasi kadalasan ikaw yung pinagseselosan ng nilili...