At ngayon, College na tayo.
Ako pa rin ito. Ikaw pa rin iyan.
Ako pa rin Best friend mo. Ikaw pa rin ang taong mahal ko ❤
"Alam mo napaka-swerte ng magiging boyfriend mo." sabi mo sa akin.
Nalungkot ako :( Ewan. Di mo kasi alam kung gaano kita kamahal at kung gaano kita kagustooo ....
Hinintay ko na sabihin mo sa harapan ko na ang swerte mo, hindi lang dahil sa Bestfriend mo ako ....
Pero dahil minamahal kita ng totoo.
In short, magiging girlfriend mo.
Pero imposible yun. Sobrang imposible. Eh ako nga itong nasa harapan mo, iniiyakan mo, niyayakap mo, di mo mapansin.
Siguro nga ... Ang role ko lang talaga sa buhay mo ang maging Best friend mo.
Nasa Laboratory tayo nun. Experiment nang bigla kong napaso yung daliri ko.
Nilapitan mo agad ako. Matatakutin ako kaya nga hinawakan mo agad ang isa ko pang kamay at matiyaga mong hinihipan ang daliri kong napaso.
"Ssshhh ... Wag ka na matakot." pampakalma mong sabi sa akin atsaka ngumiti ka ulit at hinnipan ulit ang daliri ko.
Nakatingin lang ako habang ginagawa mo ang bagay na yun sa akin habang tumitingin ka din sa akin at ngumingiti.
Di ko alam kung nahahalata mo bang kinikilig ako kasi ang totoo, bawat ngiti na pinapakita mo sa akin tumatalon yung puso ko sa saya.
Minsan nga naiisip ko, kinikilig ka din kaya sa mga ngiti ko?
Pero asa. Malamang hindi.
Ginamot mo yung paso ko sa daliri. Di mo ako iniwan hanggat di ko pa kaya.
Nasa tabi lang kita. Inaalalayan mo ako. Inaalagaan.
At yung mga oras na yun, feeling ko special ako. Sobrang sarap sa pakiramdam.
Kinikilig ako kasi kasama kita at patuloy mong pinapagaan yung loob ko.
Ganun ka sa akin lagi. Sa ilang taon nating pagsasama, ganun ka.
Kaya nga siguro, nagustuhan kita eh tapos maya maya lang, mahal na kita.
Mahirap pigilan yung kilig na nararamdam ko dahil sa care na pinapakita mo.
Hanggang kilig na lang ako.
Di ko kasi kaya sabihin sayo na mahal kita kasi dalawa lang naman yun eh.
Love or Friendship?
Mas mabuti pang ang pagkakaibigan natin ang mangibabaw kaysa sa love na lagi kong sinasabi, walang kasiguraduhan.
BINABASA MO ANG
Dear Best friend
Teen FictionMasarap magkaroon ng best friend na opposite gender noh? Ibang experience kasi mas makikilala mo ang mga lalaki pero yung iba, mas komportable sila sa mga lalaking kaibigan pero minsan hassle rin ito kasi kadalasan ikaw yung pinagseselosan ng nilili...