XII ❤

54 14 4
                                    

Mahirap magdesisyon agad agad pero anong gagawin ko?

Magpapakatanga na naman?

No.

Never.

Hindi na.

Mga salitang sinasabi ko sa sarili ko.

Pumayag na ako sa tanong ni Dane sa akin lagi.

Pumayag na akong magpaligaw sa kanya. Ang maramdaman ko naman ang may nagmamahal.

Ayoko na. Gusto ko ng sumaya.

Wala naman akong magagawa kung patuloy mong sasabihin na .....

'Best friend lang kami'

Tapos iiyak na naman ako. Masasaktan habang ikaw masaya.

Ganun lang naman yun eh. Paulit ulit mangyayari. Kaya malamang sa malamang, paulit ulit din akong masasaktan.

Ewan ko dati na kung masaya ka, nakangiti ka, kuntento na ako. Masaya na rin ako dahil sa nakikita ko.

Pero iba na ngayon. Sabi nga nila, may mga bagay daw talagang nagbabago.

Nagtatampo ako sayo dahil hindi mo man lang ako nilapitan at tinanong kung bakit ako lumalayo sayo.

Wala na. Para na akong hangin na invisible. Hindi mo ako nakikita.

Naisip ko din, bakit di ka nagtataka?

Ngayon, tanggap ko na ang lahat sa pagitan natin at ayoko na ulit umiyak pa sa tuwing babanggitin mo sa akin yun.

Dahil nasasaktan ako. Sobra akong nasasaktan.

Oo. Best friend mo lang ako Miggy.

Bestfriend lang.

Lang.

Si Dane na yung lagi kong kasama ngayon. Binibigay niya ang best niya para pangitian ako. Para makita akong masaya.

Pero ewan ko ba. Ngingiti ako pero alam ko naman sa sarili ko na peke yun.

Di pa din kita makalimutan Miggy. Ang tagal na pero ewan. Hays! Dapat nga kalimutan na talaga kita eh kasi malamang ikaw, matagal mo na akong nakalimutan.

Kahit nga bilang Best friend, wala na.

Wala naman akong magagawa diba? Sino ba naman ako?

Best friend? Eh nakalimutan mo na nga ako eh. Yung lang na yun, napilitan na ngayon ng wala na.

Wala na talaga.

Ganun lang siguro talaga kadali sayo ang lahat.

Palibhasa ako lang kasi ang nagmahal sayo kahit na di mo alam.

Dear Best friendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon