Magkasama tayong dalawa. Busy ako sa pagsulat ng notes ko habang ikaw ay nakatingin lang sa malayo.
Hindi ko alam kung anong iniisip mo at kung anong dahilan ng pagiging seryoso mo.
Binitawan ko yung ballpen ko. Mas lumapit pa ako sayo tapos siniko kita.
"Lalim ah."
"Wag kana magjoke."
"Hoy! Hindi ako nagjojoke noh. Ang sinasabi ko ang lalim ng iniisip mo." sabi ko sakanya tapos humarap siya sa akin.
Nagtitigan kami. Seryoso pareho yung mga mata namin.
"Hahahahaha! Ang panget mo!"
Naputol yung titigan na yun nang bigla kang tumawa.
Bwisit. =_=
Tumayo ako at humarap sayo atsaka kita nairapan.
"Panget pala ako ha!" sabi ko at maya maya lang.
"U-uy .. Hahahaha ... T-tama .... Hahaha .... N-na .... Hahahahaha ... Lys-sa .... U-uy! .... Hahaha .... T-tama na.!"
At iyun, kiniliti ko siya.
Ganyan siya kung tumawa. Grabe kasi kiliti niyan.
Bumalik ako sa pagkaka-upo kanina.
"Sino panget ha?"
"Wala. Ang cute mo talaga." sabi mo ulit sa akin atsaka gulo ng buhok ko.
Tawanan lang tayo nang tawanan. Parang walang nangyayari nung mga araw na yan.
Kung ganon lang sana kadali ang lahat.
Kung napigil ko sana ang nararamdaman ko para sayo, hindi ko sana masasabi na hindi ko maramdaman na may best friend ako.
Nagtama ulit ang mga mata natin.
Kung pareho sana ang nararamdaman natin.
Kaso ang nakakalungkot, ako lang.
BINABASA MO ANG
Dear Best friend
Teen FictionMasarap magkaroon ng best friend na opposite gender noh? Ibang experience kasi mas makikilala mo ang mga lalaki pero yung iba, mas komportable sila sa mga lalaking kaibigan pero minsan hassle rin ito kasi kadalasan ikaw yung pinagseselosan ng nilili...