Napansin kong tumingin ka sa akin kaya napatingin din ako sayo. Nagtitigan tayong dalawa. Mata sa mata at parang nag-uusap yung mga mata natin. Nagtitigan tayo ng parang tayo lang dalawa ang tao. Walang mga tao sa paligid natin. Napangiti ka kaya napangiti din ako.
Maya maya lang nagtawanan tayo nang parang walang nangyari. Walang malisya.
Kasi nga Best friend mo lang ako.
Walang malisya noon, pero iba na ngayon. Tumitibok yung puso ko at parang may mga butterflies sa tummy ko na nakatambay. Yun yung nararamdaman ko sa titigang iyon pero hindi mo marahil ramdam yun.
Katulad nung Grade 6 tayo, magkasabay tayo noon na pumasok sa unang araw natin sa High school. Classmate pa din tayo. Walang pagbabago. Lagi pa rin tayong magkasama.
Lagi na tayong inaasar ng mga classmate natin noon. Pati nga mga teachers natin nakasali na.
Pero wala lang sa ating dalawa yun.
Walang malisya.
Wala tayong pakialam sa kanila dahil Bestfriend nga tayo.
Naalala ko pa noong 3rd year High School tayo, tayo ang pinaganap ng mga kagrupo natin bilang sila Romeo and Juliet dahil daw lovers daw tayo.
Dahil nga sa play ang gagawin natin, may script tapos kailangan kabisaduhin ang mga lines. Ewan ko ba bat di tayo nakatanggi noong oras na iyon pero sabi nila, busy daw tayo nun.
Busy magdaldalan.
"Ah ... I know ... Silang dalawa nila Miggy at Lyssa, ang gaganap na Romeo and Juliet." sabi ni Jing, yung leader namin.
"Ha?" sabay nating tanong.
"Kayo si Romeo and Juliet." sabay sabay naman nilang sagot.
Sabi pa ng mga kaklase ko, di na daw kami nagsasawa sa isa't isa? Eh lagi na daw kaming magkasama, magkausap at nagkukwentuhan.
"Eto kasi oh .... Sobrang daldal!" sabi niya sa akin atsaka ginulo na naman ang buhok ko.
Sinamaan ko lang siya ng tingin at naghabulan kami ng parang bata.
Nagkita pa nga tayo noon sa park dahil doon ang lugar kung saan tayo mag-mememorize ng linya natin pero ang totoo, di natin na-memorize yun dahil ang ginawa natin ay ....
Nag-bike tayo at paikot-ikot tayo sa Park.
Pero sa huli, success naman :D Namemorize natin. Rush nga lang.
"Atlis may grade pa din tayo." sabi mo nun nang walang kahina-hinayang.
3rd year High School din tayo noon nang nagpaalam ka sa akin na kung pwede mo bang ligawan si Kate. Yung classmate natin.
Pumayag ako at dahil sa tuwa mo nun ay niyakap mo ako at walang hanggan mo akong pinasasalamatan.
Hanggang sa lagi na kayong magkasama ni Kate at ang oras naman nating dalawa ang nabawasan.
Tinitignan ko lang kayo sa malayo. Ang sweet niyong dalawa at di ko alam, nakaramdam ako ng sakit sa puso ko.
Nasaktan ako.
At doon nagsimula ang lahat .... Gusto na kita ❤
Gusto ko na ang best friend ko pero inilihim ko lang yun sayo. Best friend kita, masaya ako kung saan ka masaya :) Kahit paulit na paulit natutusok yung puso ko na kasama mo si Kate.
Hindi na nga tayo nagkakasama nun dahil lagi mong kasama si Kate until one day, naglalakad ako sa Hallway nang tawagin mo ako.
"Best friend!" isang pamilyar na boses ang tumawag sa akin. Alam kong siya yun kaya lumingon ako.
"Oh Hi Miggy" bati ko sayo nang may pekeng ngiti.
"Best friend! May good news ako!" sabi mo sa akin.
"Ano yun?" I asked.
"Kami na Lyssa. Kami na ni Kate." sabi mo nun at niyakap mo ako.
Kinikilig ako dahil niyayakap mo ulit ako. Kasama ko ulit ang Best friend ko ❤. ❤
Pero alam kong panandalian lang ang lahat ng to. Lalo na at sila na ni Kate.
"I-im happy for both of you." nauutal kong sabi sayo nun.
Totoo yun. Masaya ako sa kanilang dalawa. Wala akong karapatan para kontrolin siya.
He's not mine.
Best friend niya lang ako. Hanggang dun lang.
After 1 month, lumapit ka sa akin ng umiiyak at basta basta mo na lang ako niyakap.
"B-bakit?" tanong ko sayo habang yakap mo pa din ako at patuloy ka pa rin sa pag-iyak.
Kinuwento mo sa akin ang dahilan kung bakit ka umiiyak. Wala na kayo ni Kate. Sinabi niya sayo na hindi ka niya Mahal.
Naramdaman ko na bawat salita na binibitawan mo ay puno ng kalungkutan.
Yung mga mata mo na sobrang lungkot dahil sa iniwan ka ng taong mahal mo.
Hinigpitan mo lalo yung yakap mo sa akin at parang sinasabi na huwag kitang iwan.
"Andito lang ako." sabi ko sayo
Hinayaan ko lang na yakapin mo ako hangga't gusto mo.
Nasasaktan ako dahil sa malungkot ka.
Umiiyak.
Nasasaktan.
At iniwan ng taong mahal.
Pero ang sakit din sa pakiramdam ko na, hindi mo ako napapansin.
Hindi mo nakikita kung gaano kita kamahal.
Hindi lang bilang Best friend.
Kundi mas higit pa doon.
*****
Author's Note :
Sana nadadala kayo sa emosyon na pinapakita si Lyssa.
Wait. Meet the two characters of my story .... Lyssa and Miggy! ❤
Read lang ng read! Thankyouuu.
READ ❤ VOTE ❤ COMMENT ❤ RECOMMEND
Godbless! ^________^
BINABASA MO ANG
Dear Best friend
Teen FictionMasarap magkaroon ng best friend na opposite gender noh? Ibang experience kasi mas makikilala mo ang mga lalaki pero yung iba, mas komportable sila sa mga lalaking kaibigan pero minsan hassle rin ito kasi kadalasan ikaw yung pinagseselosan ng nilili...