Hindi ako iniwan ni Dane. Lagi siyang nasa tabi ko. Binabantayan niya ako hanggang sa gumaling ang paa ko.
"Sure ka bang kaya mo na?" tanong ni Dane sa akin habang tinutulungan ko siyang magdala ng mga boxes ng cupcakes sa car.
"Wag ka ng magreklamo. Okay lang ako. Alam ko naman ako ang charm ng store eh." biro ko pa atsaka kami nagtawanan at pinaandar niya ang car niya papunta na sa Mall.
Hindi pa din siyempre maalis sa isipan ko kung kailan kita makikita.
Kung kailan at kung saan ko makikita ang best friend ko.
After 2 years, wala na rin tayong communication.
Ni isang message wala akong natatanggap sayo.
Namimiss ko na kasi makipagkuwentuhan at harutan sayo. I really miss you.
But Im still hoping na kahit text, chat or skype man ay sana maka-usap kita.
Hindi naman kita matitiis eh kaya nga paulit-ulit akong nagmemessage sayo sa facebook mo pero ang masaklap, parang di mo nakikita.
Nakarating na din kami ni Dane sa store namin sa mall. Ayos ayos at bantay.
"Babe wait lang ha! May bibilhin lang ako sa 2nd floor." paalam ni Dane atsaka naglakad na siya palayo. May bibilhin siyang mga ingredients para sa cupcakes na binabake niya.
I just nod.
Dahil sa gutom ako, kumuha ako ng cupcake na chocolate flavor ang icing. Pakagat na sana ako nang naalala ko ikaw.
Chocolate flavor. Favorite mong flavor sa lahat. Mapa-ice cream man yan or icing o kahit ano man.
Naalala ko din na lagi mo akong nililibre ng chocolate ice cream kasi nga favorite ko din.
Pareho nating paborito kaya nga nagkakasundo tayo eh.
Tumayo ako para tignan kung maayos ba ang lahat sa store ng may nakita akong familiar.
Nakatalikod man ito pero alam ko sa sarili ko na kilalang kilala ko ito.
Lumabas ako sa store. Lumapit pa ako sa lalaking nakatayo. Nakapolo siya at nakahoody. Iba man ang style ng buhok nito sayo pero feeling ko ikaw yun.
Ikaw na best friend kong sobrang miss ko na.
Nang napansin niyang lumalapit ako sa kanya, tumakbo din siya. Tumakbo siya palayo.
Tinignan ko lang ito. Likod pa lang, alam ko na kung sino ito.
Pero siya nga ba yun?
Siya ba yung best friend ko?
Siya ba yung taong minahal ko?
Siya ba yung taong matagal ko ng miss?
Nagbalik na ba siya?
Sana nga ikaw yun ...
Sana nga ikaw yun best friend ko ....
BINABASA MO ANG
Dear Best friend
Teen FictionMasarap magkaroon ng best friend na opposite gender noh? Ibang experience kasi mas makikilala mo ang mga lalaki pero yung iba, mas komportable sila sa mga lalaking kaibigan pero minsan hassle rin ito kasi kadalasan ikaw yung pinagseselosan ng nilili...