Gaya nga ng kwento mo sa akin nung nasa friendly date tayo, niligawan mo nga yung babaeng natitipuan mo nun.
May lovelife ka na naman ulit, habang ito ako nakatingin lang sa inyo mula sa malayo.
Na naman. Lagi na lang nauulit yung mga pagkakataong ito.
Akala ko noon, mapapagod din ako. Babalik yung tingin ko sayong Best friend. Walang halong malisya.
Pero ewan ko bat hindi ko magawa T______T
After ng 2 buwan, naging kayo na. Katulad ng mga iba mong naging nobya, lagi kayong magkasama.
Eto na naman ako, magisa. Tinitignan ka kasama siya. Tumatawa kayo, nagngingitian. Ganun kayo kasaya habang ako nangingibabaw ang kalungkutan.
Iniisip ko,nasaan kaya yang accept na yan? Bat di ko mahanap hanap.
Pag na-inlove ka talaga sa Best friend mo, super hassle =_=
Kung ganon lang sana kadali ang lahat.
Hays! *super lalim na buntong hininga*
Hanggang sa isang gabi, matutulog na sana ako nun nang pumasok ka kaagad sa kwarto ko at niyakap mo agad ako.
Alam ko na ngayon, umiiyak ka na naman kaya ka andito.
Kinuwento mo sa akin ang dahilan ng mga luha mo. Sinabi mong nakita mo siya nakikipaghalikan sa iba.
Niyakap kita katulad ng yakap ko sayo lagi. Sa tuwing umiiyak ka at kailangan mo ako.
Patuloy ka lang sa pagkuwento at pag-iyak.
"Bakit Lyssa, naging mabuti naman akong boyfriend hindi ba?" tanong mo sa akin habang iyak ka nang iyak.
Ang sarap mo talagang batukan tuwing nagtatanong ka sa akin kung bakit ka iniwan, niloko ng mga minamahal mo.
Ako yung nagmamahal sayo Miggy.
Alangan naman sabihin ko sayo.
Katulad nung una kong tanong sa sarili ko ....
Frienship or Love?
Siyempre ano pa ba?
Friendship.
BINABASA MO ANG
Dear Best friend
Novela JuvenilMasarap magkaroon ng best friend na opposite gender noh? Ibang experience kasi mas makikilala mo ang mga lalaki pero yung iba, mas komportable sila sa mga lalaking kaibigan pero minsan hassle rin ito kasi kadalasan ikaw yung pinagseselosan ng nilili...