Pareho tayong tahimik at nakatitig sa isa't isa.
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.
Kinakabahan ako.
Ewan ko ba bakit ganito nararamdaman ko.
"Best friend ...."
Napatingin ako sayo. Nagulat ako sa sinabi mo.
Best friend?
Mas lalong lumalakas tibok ng puso ko na para bang may mga kabayo na nagkakarera.
Nakayuko ako. Hindi ko magawang tumingin ng diretso sayo.
Feeling ko ang hirap.
"Best friend ...." ulit mo.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sayo.
Mas lalo pang tumibok ng mabilis ang puso ko .
Iba. Kakaiba yung nararamdaman ko kaya nga patuloy akong nakayuko pa din ako.
Nahihirapan akong humarap sayo.
Maya maya lang nararamdaman ko na may luhang unti unting tumutulo sa mata ko.
Nagsimula na akong mag-panic.
Ayoko makitang umiiyak ako sa harapan niya. Ayoko dahil sa simula naman talaga never akong nagpakita na umiiyak ako.
Tumakbo ako papunta sa taas. Papunta sa kwarto ko.
Alam kong sa mga oras na yun ay nakatingin ka sa akin. Nagtataka ka siguro kung bakit ako tumakbo palayo.
Sa kwarto ko, umiyak ako. Yung kaninang luha na gustong kumawala at bumuhos ay nailabas ko.
Umiyak ako ng umiyak.
Parang may kung anong kirot sa puso ko ng sinabi mo yung salitang iyon.
Best friend ...
Imbes na maging masaya ako, alam kong nangingibabaw sa puso ko ang kalungkutan.
Kasi parang ang salitang best friend na yun ay parang hanggang salita lang.
Hindi ko nararamdaman.
Mas lalong tumulo yung luha ko.
Para siguro sayo madali sabihin yung salitang yun pero sa akin hindi.
Para kasing hindi ko nararamdaman yun.
Dahil hindi ko talaga nararamdaman na may Bestfriend ako.
BINABASA MO ANG
Dear Best friend
Teen FictionMasarap magkaroon ng best friend na opposite gender noh? Ibang experience kasi mas makikilala mo ang mga lalaki pero yung iba, mas komportable sila sa mga lalaking kaibigan pero minsan hassle rin ito kasi kadalasan ikaw yung pinagseselosan ng nilili...