XXV ❤

25 8 1
                                    

Naglakad lakad lang ako mag-isa sa Park, tingin tingin sa paligid.

Naaalala ko yung mga araw na magkasama tayo.

Mga araw na masaya tayong naghahabulan.

Namimiss ko na din yung paggulo mo ng buhok ko na ngayon, di ko na maramdaman.

Naalala ko kani-kanina lang ikaw habang kumakain ako ng ice cream.

Patuloy lang ako sa paglalakad. Di ko alam kung saan ako pupunta o san ako dadalhin ng paa ko.

Tuloy lang din ang paglibot ng mga mata ko sa kabuuan ng Parke.

Nakakita ako ng isang couple, masaya silang magkasama at nagtatawanan at yung babae may dala dalang isang pink na teddy bear.

Teddy bear. Naalala na naman kita kasi binigyan mo ako ng teddy bear lagi. Pink din ito dahil alam mo na favorite color ko iyon.

In short, I really missed my best friend badly.

Umupo ako sa isang bench nang may nakita akong pamilyar na mukha na nasa likod ng puno.

Ng magtama ang aming mga mata, umalis siya at tumakbo palayo.

Tumakbo din ako. Hinabol ko pero ewan ko kung nagmamalikmata lang ba ako o ikaw ba talaga yun.

Nakita kita.

Ayun yung pumapasok sa isipan ko.

Sa puso ko nararamdaman kong ikaw yun. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ikaw ba talaga yun?

Biglang nagbago yung mood ko.

Ewan. Alam kong kasing ikaw yun eh.

Ikaw yung nakita ko.

Sa huli, I decided to go home.

Umakyat agad ako sa kwarto ko at humiga sa kama ko.

Niyakap ko yung teddy bear na binigay mo sa akin.

Ikaw yun Miggy. Ikaw yun.

Alam ko. Alam ng puso't isipan ko.

I grab my phone. Tinignan ko yung pangalan mo sa phone ko.

Alam kong ikaw yun kanina.

To : Best friend ❤
Ikaw ba yung sa Park kanina? Ikaw ba yun? Nakita kita, yun yung alam ko.

Sent.

Oo. Tinext kita.

Di ko alam kung sasagot ka. Or kung yun pa rin ba ang number mo.

Di ako sigurado pero tinry ko pa din kamustahin ka.

Tumingin lang ako sa kisame. Nakatulala habang yakap yakap yung teddy bear na bigay mo.

2 minutes.

5 minutes.

20 minutes.

40 minutes.

1 hour.

2 hours.

3 hours.

4 hours.

Ang daming oras ang lumipas. Naghintay ako na magreply ka man lang kaso wala

Wala akong natanggap.

Dear Best friendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon