Hindi madali ang magkagusto sa sarili mong Best friend.
Bakit?
Dahil yung mga bagay na walang malisya noon ....
Ngayon, meron na.
Magkatitigan lang tayo, feeling ko eto na. Simula na. Kasi ito yung mga simula sa love story ng ilan sa nababasa kong stories at napapanood.
Magkadikit lang yung mga balat natin, iba na ang feeling. Parang may mga boltahe ng kuryente ang dumadaloy sa isa't isa sa atin.
Pag yayakapin mo ako, iba na ang feeling. Parang more than friends ang yakap na yun pero ako lang naman ang nag-iisip ng ganun eh. Alam ko naman kasing Its only a Best friend hug.
Di ko naman kayang sabihin sayo na Gusto kita ....
Dahil mas gusto ko pa din ang Frienship natin kesa sa Love.
Ewan ko ba bakit ang bilis mong nakalimot kay Kate. Eh nung kailan lang ay babasain mo ata ang damit ko kakaiyak mo.
"Accept." sagot mo sa akin ng tinanong ko sayo kung paano ka kabilis nakalimot.
Naka-let go.
Naka-move on.
Na hirap na hirap akong gawin sayo.
Nung narinig ko ang sagot mo, parang nabingi ata ako.
Accept? Tatanggapin ko na lang na wala kaming pag-asa? Ganun ba kadali yun?
Parang kailan lang kasi, inamin ko sa sarili ko na mahal na kita.
Sa una, ang akala ko ay mawawala din yun. Infatuation. Yun lang!
Pero iba pa din eh, parang mahal na ito.
4th year High School na tayo noon nang may natipuan ka na namang babae. Si Veronica. Isang kilala na estudyante dito sa school. Maganda siya, magaling sumayaw, sexy at lapitan ng mga lalaki.
Noong nalaman ko sayo na siya ang kasunod mong pinopormahan, nalungkot ako. Iba ang tipo mong mga babae at ibang iba si Veronica sa akin.
Isa lang akong simpleng babae na best friend mo.
Sobrang layo ng katangian namin ni Veronica na malamang magiging nobya mo.
Kaya nabuo sa isipan ko na ...
Kailanman Miggy, hindi mo ako magugustuhan ....
Dahil hanggang Best friend lang talaga .....
Best friend ......
At ayun nga naging kayo. Sobrang tuwang tuwa mo nun.
Niyakap mo ako pagkatapos niyang sabihin sayo ang salitang "Oo" na hinihiling kong masasabi ko sayo pero alam kong Imposible yun.
Best friend mo lang ako .....
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nung mga oras na yun ....
Masaya? Oo. Dahil nakikita kitang masaya sa piling ng taong mahal mo.
Nasasaktan? Oo. Mas nananaig ang nararamdaman kung iyon kasi masaya ka kasama siya kaysa sa akin.
Pero ano nga bang magagawa ko?
Wala akong karapatan na pigilan ka sa kaligayahan mo.
Wala akong karapatang maging selfish.
Wala akong karapatan dahil ....
Best friend mo lang ako.
Unti unting tumutulo sa mata ko ang luha ko. Malungkot ako dahil hindi mo nararamdaman na gusto kita.
Mas lumalim ang nararamdaman ko sayo Miggy kahit na patuloy lang akong nasasaktan.
Ewan ko kung tanga tong puso ko dahil ....
MAHAL NA KITA MIGGY ❤❤❤
BINABASA MO ANG
Dear Best friend
Teen FictionMasarap magkaroon ng best friend na opposite gender noh? Ibang experience kasi mas makikilala mo ang mga lalaki pero yung iba, mas komportable sila sa mga lalaking kaibigan pero minsan hassle rin ito kasi kadalasan ikaw yung pinagseselosan ng nilili...