XXIX ❤

29 7 2
                                    

Tumayo ako at handa na sana akong umalis ng magulat ako kung sino ang nasa likod ko at ang tumatawag sa akin.

"Lyssa ..."

Walang tigil pa rin yung pagpatak ng luha ko habang palingon ako sayo.

"Miggy ..." yan ang nasambit ko atsaka ako tumakbo palapit sayo habang umiiyak ako.

"Ssshhh ... Wag ka ng umiyak. Sorry, hindi ko alam na ikaw pala yung babaeng matagal ko ng hinahanap. Ngayon lang ako nagkalakas ng loob kaya andito ako." sabi niya habang patuloy niya pa din akong niyayakap.

Bumitaw ako sa pagyakap ko sa kanya at nakatingala sa kanya habang tuloy tuloy yung pag-agos ng luha ko.

"Ang totoo niyan ay matagal na kitang gusto. Matagal ko ng gusto ang best friend ko." I said habang nasa gitna ako ng pag-iyak ko.

Ngumiti siya at hinila niya ako at niyakap ulit.

"Why so cute?" sabi niya atsaka niya ginulo yung buhok ko.

"Nagjojoke pa eh." sabi ko naman.

Hinawakan niya yung mukha ko, nagkatitigan kami at pinunasan niya yung mukha ko gamit ang thumb ko.

At maya maya lang ay niyakap niya ulit ako.

Niyakap ko din siya.

Halos tumalon ang puso ko sa sobrang saya.

Ganito pala ang nararamdaman.

Iba ngayon ang yakap na ito. Hindi yakap na nasaktan siya o nalulungkot kundi yakap na ramdam mo ang saya at pagmamahal.

Iba pala talaga ang nagagawa ng pagmamahal.

May saya.

May lungkot.

Pero ngayon, ako na ang pinakamasayang tao sa mundo.

Habang yakap ko siya ngayon, feeling ko kaming dalawa lang.

Kaming dalawa lang.

Magkasama na ulit kami.

Magkasama at masaya na ulit ako kasama ka.

Kasama ang ....

'Best friend ko ❤'

"May tanong ako sayo?"

"Ano?"

"Anong english ng mahal kita?"

"Ahm ... Edi I love you."

"I love you too." sabi niya.

Pinalo ko siya sa dibdib.

"Corny." sabi ko.

"Pero sweet. Walang bawian ah. I love you."

"Oo na. I love you too."

At nagyakap na naman kami.

Sobrang saya.

Kasama ko na ulit siya ❤

Dear Best friendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon