XV ❤

36 10 3
                                    

Maayos naman ang naging business namin ni Dane. So far, so good :) Ang daming nasasarapan at patuloy na umuorder sa amin.

Malungkot lang ako kasi wala ka dito para i-congrats ako or biruin na mayaman na ako.

Nakakamiss lang yung mga asar mo.

At nakakamiss din dahil hindi mo ako nakikita kung gaano ako unti unting nagiging successful sa ginagawa ko ngayon.

Magkasama din kami ni Dane sa paggawa ng cupcakes at sa pagbantay ng store.

Na-eenjoy ko naman yung ginagawa ko ngayon. Im happy, Im with him.

"Eto na ang cupcakes. Icing na!" sigaw ni Dane habang lumalapit siya sa akin hawak ang tray na may lamang cupcakes na kakabake na.

"Wow naman!" puri ko atsaka nagsimula na tayong magdesign ng cupcakes.

Tinignan kita habang naglalagay ka ng icing.

Dane is so hard working. Napa smile ako.

"Done staring at me?" Dane asked at mula nga sa pagtitig ko sa kanya, nabalik na ako sa Reality.

"Excuse me!"

"Hahahaha. My girl is so cute." sabi niya pa atsaka yakap sa akin.

"You want icing?" I asked habang yakap yakap niya pa din ako at maya maya lang umiwas siya sa akin.

Maya maya lang, natapos na din kami. Inayos na namin ang mga ibebenta namin at nagpaalam ako kay Dane nang saglit.

"Punta lang ako sa taas. I forgot something"

Pumunta na ako sa taas at sa asar ko, di ko mahanap yung bracelet ko.

I keep searching and searching hanggang sa nadulas ako at natamaan ko yung side table dahilan para maglaglagan ang mga picture frames na nandoon.

Kasabay ng paglaglag ko sa sahig ay nalaglag din sa sahig yung isang picture frame.

Picture with Miggy.

Nakarinig naman ako ng mga yabag papunta sa room ko. Dali dali akong inalalayan ni Dane paupo sa side ng bed ko.

"What happened?"

"Nadulas ako tapos yun!" I explained while my feet, it's still aching.

Pinahiga ako ni Dane. He never leave me. Ganyan siya ka-concern sa akin. He always make sure Im fine.

Nakita ko na kumuha siya ng walis at dustpan. Siya siguro maglilinis ng mga nalaglag.

Patapos na siya maglinis. Nakahinga ako kasi hindi nabasag yung mga picture frames. Treasure yun para sa akin kaya mahalaga pero yung isa. Yung isang pinakaimportanteng picture, turned into pieces.

"Lyssa." tawag sa akin ni Dane sabay harap niya sa akin hawak ang isang picture frames na basag na.

Halos manlumo ako nung nakita ko yun. Yung picture na yun ... Isa yun sa mga importante.

Kasama ko dun ang Best friend ko.

And that moment ....

Were together and both smiling.

Were both happy

Dear Best friendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon