XXII ❤

36 10 2
                                    

Mag-isa ako ngayong naka-upo sa bench malapit sa Garden.

Oo. Wala si Miggy.

Pano ba naman kasi inasar niya ako ng inasar kahapon kaya yun napikon ako at nagtampo.

Ang ending? Wala akong kasama ngayon =.=

Kinuha ko yung libro ko mula sa bag ko at pinagpatuloy yung pagbabasa nito.

Habang patuloy akong nagbabasa, naramdaman kong may tumabi sa akin.

Tumingin ako ng palihim.

Si Miggy habang nakapout.

Siniko niya ako bigla dahil malamang, alam niya na di ko siya papansinin.

"U-uy!" sabi mo atsaka siko.

"What?" tanong ko din naman habang patuloy pa din akong nagbabasa at di tumitingin sakanya.

"U-uy!" ulit mo.

"Ano nga?" tanong ko ulit at di pa rin siya tinitignan.

"A-ano kasi .."

Hinawakan mo ang mukha ko at wala akong choice kundi tignan ka ng diretso.

Pareho kaming magkatitig sa isa't isa, sa mga mata namin pareho.

"Sorry!" sabi mo habang pareho pa rin tayong nakatingin sa isa't isa.

Nakikita ko sa harapan ko mismo kung paano ka nagsisi sa ginawa mo.

Sobrang lungkot mo.

Napatawa ako sa itsura mo.

Alam mong hindi kita matitiis.

Di kita iiwan.

Sana alam mo yun. Sana.

Maya maya lang sabay tayong tumawa.

"Yehey! Bati na tayo!" sabi mo atsaka tumawa.

Ganyan ako kadaling bumigay sa sorry mo pa lang.

Sa isang sorry mo pa lang.

Nawala na lahat.

Sa isang sorry mo pa lang.

Naglaho na lahat.

Maayos na ulit tayo.

Apology Accepted!

Dear Best friendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon