Bata pa lamang ako, mahilig na akong magbutingting ng kung anu-ano. Mahilig ako sa arts. Pero isang bagay na di ko kayang gawin ay magdrawing. Kaya kinuntento ko na lang ang sarili ko sa paggawa ng kung anu-ano. Isa sa mga gustung-gusto kong ginagawa ay origami. Nakuha ko marahil ang pagiging pasensyosa ko sa gawain kong ito. Ako si Ana. Nagbago ang buhay ko dahil sa isang tao... dahil na rin sa mga tinuping papel.
Dismissal time. Nakaupo ako sa may umbrella trees at hinihintay si Bea.
'Ang tagal naman nun. Saan nanaman kay pumunta yun?'
Dahil ayaw kong nabobore ako, binuksan ko yung bag ko at kumuha ng papel. Tupi dito, tupi doon, at nakabuo ako nang isang papel na hugis puso. Kumuha ako ng ballpen at sinulatan yung puso.
Nakakapagod kayang maghintay.
Wow Ana ah. Ang senti mo bigla. Haha. Nababangag na ako. Ang tagal naman kasi ni Bea eh.
*beep* *beep*
'Hay. Baka si Bea na to. Hello?'
'Uy Ana. Nasaan ka? Kanina pa ita hinihintay dito sa may court.'
'Ano? Akala ko ba sa umbrella tree tayo magkikita?'
'Hah? Uhm... Ay! Oo. Hehe. Sorry te. Pwede bang dito na sa court? Ganda ng view dito eh.'
'Hay nako. Oo na. Dami mong alam! Sige. Kita tayo diyan.'
Baliw talaga tong si Bea. Masaydong busy kaya ang daming nalilimutan. Habang naglalakad akong papuntang court, naisip ko na halos apat na taon na pala kaming magkaibigan ni Bea. Sobrang tagal na talaga ng pinagsamahan namin. Nakakatutuwa nga yung una naming paguusap eh. First day ng school at pareho kaming new students.
'Uhm. May papel ka ba diyan?'
'Oo. Eto o.'
'Salamat. Bea nga pala.'
'Ana, Ana Cruz.'
'Masyado namang pormal yun. Hahaha!'
At ayun, naging maging matalik na magkaibigan na kami. Laging magkasama, sa lungkot at saya.
Pagdating ko sa court. Nakita ko si Bea nakaupo sa may bleachers at pinapanuod yung mga naglalaro ng basketball. Etong babaeng to talaga. Basta usapang lalaki, never absent yan.
'Uy Bea!'
'Ana! Sorry nakalimutan ko na sa may umbrella tree pala tayo magkikita.'
'Ayos lang yun. Ikaw kasi e. Masyado ka nang makakalimutin. Baka puro lalaki na lang nasa isip mo ah.'
'Grabe ka naman!'
'Haha. Sino bang pinuntahan mo dito?'
'Uhm. Wala naman..'
Napansin ko na biglang tumingin siya kay Sam.
'Yieee. Alam ko na! Si Sam no?'
'Ano?! Wag ka ngang maingay diyan!'
Nagblush si Bea. Kasing pula na ng mga kamatis ang medyo matataba niyang pisngi. Ang bilis talagang mahuli nitong bababeng to.
'So tama ako?'
'Oo na. Kaya wag ka ng maingay okay?'
'Naks naman. Nagkakacrush ka pala.'
Si Sam kasi yung unang crush ni Bea, sa pagkakaalam ko.
'Tumahimik ka na nga lang diyan. Manuod na lang tayo okay?'
'Oo na. Pero after 10 mins uwi na rin tayo. May gagawin pa ako sa bahay'
'Sige.'
Nang tapos na kaming manuod. May bigla akong naalala.
'Ay! May naiwan ako sa umbrella tree. Halika punta tayo dun saglit.'
Pagbalik namin doon, wala na yung ginawa kong puso na may sulat ng kadramahan ko. Hala. Baka kung sino na yung nakakuha nun.
'Nasaan na ba yun?'
'Ano ba yun?'
'Yung ginawa kong puso kanina.'
'Hay nako Ana. Gawa na lang ng bago. Madali lang naman gawin yun diba?'
'Eh kasi baka may nakakuha. May nakasulat pa namang kabangagan ko dun.'
'Bayaan mo na. Baka nakita ng janitor tapos tinapon, or nilipad ng hangin. Halika na.'
'Sige na nga. Bayaan na natin.'
BINABASA MO ANG
The Paper Hearts Project
Teen FictionSimpleng babae na may simpleng pampalipas oras. Naging komplikado na lang lahat nang dahil sa dalawang lalaki.