Habang naglalakad napansin ko na nadaanan ko yung bench kung saan ko nakita si Gab dati. Sa bench kung saan kami nanuod ng sunset. Napansin ko na di pa lumulubog ang araw, kaya umupo muna ako.
Nung nakaupo na ako, naalala ko yung mga pangyayari sa kahapon at ngayon. Naalala ko yung pagyaya ni Gab kay Rhea. Ang weird pero naiinis ako kay Gab. Di naman ako nagseselos pero naiinis ako kasi di niya sinabi sa akin na may balak pala siyang yayain si Rhea.
Akala ko ba bestfriends tayo? Hay nako. Ba't ko ba kasi pinproblema yun? Buhay niya yun. Bahala siya. Dapat siguro maging masaya na lang ako para sa kanila.
'HAAAAY. ANG GULOOOO'
Ay. Ba't ka sumigaw Ana? Baka may makarinig sayo. Lumingon lingon ako. Buti walang tao.
Tapos, ayun. Nagsimula na yung sunset. Huminga ako ng malalim.
'Wow. Nakakawala ng stress sa ganda.'
Nung tapos na yung sunset, kumuha ako ng papel. Tupi dito, tupi doon.
Sana madali na lang malimutan ang mga problema.
Nasira yung moment ko ng biglang nagtext si mama. HInahanap na niya ako. Nako, mukang masyado akong nag-enjoy ngayon ah. Kaya binilisan ko na yung paglakad pauwi.
*****
Kinabukasan, pagpasok medyo gumaan na pakiramdam ko. Mukang effective pala yung pagnuod ko ng sunset. Medyo maingay na sa school kasi prom season na. At ilang buwan na lang, graduation na namin. Wow, graduate na ako sa March. Ang hirap paniwalaan. Parang kailan freshman pa lang ako.
Pagpasok ko ng room, narinig ko agad yung sigaw ni Bea.
'ANAAAAA!'
'Wow ah. Parang matagal tayong di nagkita ah.'
'Eh kasi kahapon ang weird mo e. Tapos di ka pa nag-OL. Di ko tuloy nakwento kung paano ako in-ask ni Sam.'
'Sorry ah. Masama lang talaga ang pakiramdam ko kahapon.'
'Okay ka na ngayon? Alam mo ba grabe si Alex kahapon sa pangungulit sa akin.'
'Oh talaga?'
'Hay nako! Oo. Grabe ka te. Ang swerte mo sa kanya. Sagutin mo na kaya!'
'Eh kasi yung sign..'
'Grabe Ana ah. Ang tibay mo, kawawa naman yung tao sa kakatiis ah.'
'Bahala na. Kwento mo sa akin yung kay Sam mamayang break ah.'
'Weh, change topic agad? Bahala ka diyan. Buhay mo yan e. Basta ako moral support. At kung ako ikaw, sasagutin ko na si Alex. Bihira na ang ganun ngayon ah.'
'Oo na. Oh, may teacher na tayo.'
Bihira na lang ang ganun? Eh kasi yung sign eh. Oo, gusto ko naman si Alex. Pero may pumipigil sa akin sa likod ng isipan ko. Kailangan pa siguro niyang maghintay.
BINABASA MO ANG
The Paper Hearts Project
Teen FictionSimpleng babae na may simpleng pampalipas oras. Naging komplikado na lang lahat nang dahil sa dalawang lalaki.