Chapter 14

25 1 0
                                    

Saktong pagdating ni Alex, tapos na akong kumain. Kaya tumayo na ako at tumakbo papunta sa kabilang exit. Wala ako sa mood kumausap ng kahit sino kaya lumayo na muna ako.

Actually, buong araw ko siyang iniwasan. Lahat ng tao iniwasan ko. Umalis ako agad ng school at nagdecide na maglakad na lang ako pauwi.

Nagisip-isip ako ng konti. Iniisip ko si Gab at si Lex.

Si Gab dahil nagaalala ako na baka galit siya sa akin. May ginawa ba akong masama? Bakit ayaw na niya akong pansinin?

Tapos si Alex, siya na ba kaya? Haay. Nakakainis naman oh. May gusto ako sa kanya. Pero iba yung nararamdaman ko. Parang may nararamdaman akong mali.

Hay nako Ana! Pagod na ako sa kakaisip...

Ay. Pagod na rin ako sa paglalakad.

'HAAAAAAY! PAGOD NA AKO!!!!'

'Eh ba't ka kasi naglalakad pauwi? Shunga ka pala e.'

Huh?

Paglingon ko si Gab pala. Gab? Anung ginagawa nun dito. Ngayon ko lang napansin na nasa may park na pala ako.

'Eh ikaw ba't ka naglalakad pauwi? Ang layo pa ng bahay mo dito ah.'

'Ako yung unang nagtanong.'

'Tss. Hahaha. Halika nga dito. Upo ka sa tabi ko.'

Ayos din to ah. Ayaw sagutin yung tanong ko.

Umupo ako sa tabi niya. Tahimik siya at nakatingin lang sa kawalan.

'Anung tinitignan mo?'

'Shhh' Tapos tinuro niya.

Wow. Ang ganda. Sunset na pala.

'Wow.'

'Eto naman ang ingay oh.'

'Sorry ah. Ang ganda kasi eh.'

'Iadmire mo ng di nagsasalita.'

So nakaupo lang kami dun for 5 mins hanggang sa tuluyan ng lumubog na ang araw.

'Gab?'

'Hmm?'

'Ba't ka nandito?'

'Kapag malungkot ako nagpupunta ako dito.'

'Bakit? Sinong umaway sayo?'

'Wala naman.'

'Eh ba't ka malungkot?'

'May babae kasi..'

'Ano?'

'Wala.'

'Ang gulo mo rin e no.'

'Hindi ah. Ikaw kaya diyan ang magulo at weird. Maglakad ba namang mula school pauwi. Anu yan nageexercise ka? Tama yan para pumayat ka naman ng konti.'

'Grabe ka! Seryoso yung usapan tapos magbibiro.'

'Di naman seryosong usapan to ah.'

'Akala ko ba malungkot ka?'

'Hindi na.'

'Bakit?'

'Kasi sinamahan mo ako e.'

'Naks naman to.'

'Ana?'

'Hmm?'

'Promise mong walang magbabago ah?'

'Ha? Eh ikaw nga ata diyan yung nagbago e.'

'Di ah. Halika na nga. Gabi na oh. Hatid na kita.'

'Sige.'

*************

Helloo. :) Sorry sa maikling update. Busy kasi sa summer job. Salamat sa pagbabasa! :D

The Paper Hearts ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon