Chapter 5

38 2 0
                                        

Ang sumunod na mga araw ay masaya. Lagi kong katext si Alex. Pero, parang sa text lang kami close. Di rin naman kasi kami masyadong naguusap kapag journ class. Tapos kapag uwian, sila Bea ang nakakasabay ko. Ewan ko ba, kapag kaharap ko siya wala akong masabi. Pero kapag sa text, super daldal naming dalawa.

Isang araw, nagtext sa akin si Alex. Magpunta raw ako sa court ng uwian, may surprise daw siya. Nacurious ako kaya niyaya ko si Bea.

"Uy Bea, punta tayong court mamayang uwian.'

'Ge. Sakto, tryouts mamaya. Papanuorin ko sila Sam.'

'Oh? Sige.'

Tryouts pala mamaya. Anu kayang balak ni Alex? Baka magtratryouts siya. Marunong palang magbasketball yun. Sana di siya mapahiya. Magaling kaya sila Gab.

***

Nung uwian na, nagpunta na kami sa court. Pagpunta namin dun, nakasalubong namin sila Gab.

'Uy Gab!'

'Uy Ana. Naks, ba't ka nandito?'

'Pinapunta ako ni Alex. Magtratryouts ba siya?'

'Ah.... Oo. Sige, maya na lang.'

Sungit naman nun. Haay. Since naging close kami ni Lex ang weird na ni Gab sa akin. Sana naman okay lang kami.

Nung malapit na kami sa bleachers, nakita ako ni Lex.

'Ana! Buti pumunta ka.'

'Siympre, sabi mo eh. Ba't di mo sinabi na magtratyouts ka pala?'

'Wala lang. Para surpirse? Haha. Sige, start na ata.'

'Sige. Good luck.'

So nagsimula na yung tryouts. Medyo kinabahan ako para kay Lex kasi super sungit at higpit nung coach. Sa simula puro drills lang ginawa nila. Tapos ginrupo na sila. Yung magtratryouts vs. yung varsity. Nung laban na, siymepre todo cheer ako kay Lex. With matching tili at sigaw. Napatalon pa ako nang makashoot siya ng three points. Wow, magaling pala to.

Nang pinagbreak sila, di ko napigilang mapatingin na lang kay Lex. Nagulat ako ng biglang kinalabit ako ni Bea.

'Huy.'

'Ay! Ano ba yan Bea! Ginulat mo ako.'

'Eh kasi kanina ka pa nakatingin kay Alex eh. Baka matunaw na yung tao te.'

'Sorry naman.'

'Tapatin mo nga ako, may crush ka ba kay Alex?'

'......'

'I knew it! Silence means yes! Yieeee.'

'Shhhhh. Tumigil ka nga diyan.'

Di ko na napigilan at naramdaman kong uminit ang mukha ko. Tama kaya si Bea? Crush ko na kaya si Lex? Mabait naman siya, masarap kausap. Aaminin ko, guwapo siya. Tapos magaling pa siyang magbasketball. Grabe! Kinikilig ako. First time to ah.

Pagkatapos ng game, inapproach ko si Lex.

'Oh musta? Pasok ka?'

'Bukas pa daw ipopost eh.'

'Ah. Sana matanggap ka.'

'Sana nga. Bigay todo ako ngayon, nandiyan ka eh.'

Ayan nanaman, uminit nanaman yung pakiramdam ng mukha ko.

'Weh. Wag ka ngang magbiro.'

'Oy Alex, kain tayo sa KFC?'

Si Gab. Naguusap na pala sila ni Lex?

'Uy Gab.'

'HI Ana. Ano pre? Sunod ka na lang?'

'Sige. Teka lang.'

'Close na pala kayo ni Gab?'

'Uh oo. Last week nalaman ko na kapitbahay pala namin siya. Kaya ako lumipat ng school kasi kailangan naming lumipat ng bahay na mas malapit sa office ni mama.'

'Ahh.'

'Naglalaro ako sa court ng dumating yung barkada niya tapos yun, naging tropa na din kami.'

'Oh. Di niya nasabi sa akin yun ah.'

'Hmm, baka nawala sa isip niya. Uy sige, sunod na ako sa kanila. Uuwi ka na ba?'

'Oo. Hinihintay ako ni Bea sa may guardhouse.'

'Sige, sabay na tayo palabas.'

So magkaibigan na pala yung dalawa. Buti naman. Akala ko di sila magkakasundo eh. Naiinis lang ako kay Gab kasi di na siya nagkukuwento. Araw-araw naman kaming magkasama kapag break time. Problema nun? Bigla bigla na lang umiiwas.

The Paper Hearts ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon