Chapter 8

29 3 0
                                    

Paggising ko sa umaga, chineck ko agad yung phone ko.

*2 new messages*

Isa galing kay Gab, isa galing kay Alex.

Pinindot ko yung galing kay Alex.

*Good Morning :)*

WAAAAAH. Naggood morning siya! Siyempre reply agad ako.

*Good Morning din :)*

Tapos tinignan ko yung kay Gab.

*Ayos ba yung regalo ko?*

*Oo. Salamat ah.*

Tapos nagtext ulit si Alex.

*Punta ka mamaya?*

*Oo naman. Pwede kong isama si Bea?*

*Sige. Kita kits mamaya. :)*

*Geh geh.*

Tinext ko si Bea para yayaing sumama mamaya.

WEEEEEEEEEEEEEEEEEE. Ang saya naman ng bati ng umaga ko. Pagbaba ko, napansin ata ni mama yung napakalaking ngiti sa mukha ko at inutusan akong mamalengke. Wow ha. Nanira ba naman ng mood?

Pagbalik ko sa bahay, may reply na si Bea.

*Uy sorry. Pero di ako makakasama. Ako bantay sa kapatid ko eh.*

Sayang di siya makakasama. Pero at least makakasama ko si Alex na kami lang.

*Ahhh. Ayos lang. Sabihin mo sa kapatid mo pagaling siya. Di kasi nagiingat eh.*

*Okay salamat. And, goodluck ;)*

Loko loko talaga to. Pero, kinabahan ako bigla. Mamimeet ko na parents ni Lex.

Ayos din yun ah. Di ko pa siya boyfriend pero mamimeet ko na parents niya. Haha. Nako Ana, yung mga naiisip mo talaga wagas.

Nung 3:00 na naligo na ako. Mabagal kasi akong magayos eh. Pagkaligo ko, 3:20. Oh diba ang tagal? Tapos nahirapan pa akong magisip ng susuotin. Kaya nung nakita kong 3:45 na, pinili ko na lang yung sundress ko na above the knee lang ng kont at nagsuot ng flats. Bahala na kung anung isipin nila.

Nagsuklay ako ng konti at nagsuot ng trademark kong headband. Pagbaba ko, 4:00 na. Sana umabot ako. Ang hirap pa namang magabang ng jeep papunta kila Alex.

 Pagdating ko kanila Alex, madami ng tao. Buti na lang nasa may gate siya. Naiilang kasi akong magtanong sa ibang tao kung nagkataong wala siya.

'Sa wakas dumating ka na.'

'Sorry ngayon lang nakarating. Medyo traffic eh.'

'Ayos lang. Halika, inaantay ka ni mama.'

'Hah?'

Ba't naman ako hihinatayin ng nanay niya?

Dinala ako ni Alex sa sala, kung saan nakaupo yung mama at papa niya.

'Ma, pa, si Ana po.'

'Good afternoon po.'

'Good afternoon din. Ahhh. Siya ba yung kinukuwento mo?'

Kinukwento? Napatingin ako kay Alex.

'Uhhhhm.. Opo..'

So nagkwentuhan kami ng konti ng magulang niya. Masaya silang kausap at marami pa akong nalaman tungkol kay Lex.

'Uh ma. Teka lang ah. May sasabihin lang ako kay Ana.'

'Sige.'

Ano kayang meron?

Dinala niya ako sa may garden nila kung saan may swing na pang dalawang tao lang. Umupo kami at naisip ko na parang.. ang romantic ng feeling...

Walang tao sa paligid kaya parang mas naging awkward. Humarap sa akin si Lex at tumigin sa mga mata ko. Sinubukan kong tumigin sa baba pero hirap na yung mga mata ko.

'Ana...'

'Oh?'

'Uhm...'

'......'

'May...'

Naramdaman kong biglang umiinit yung pakiramdam ng mukha ko.

'gusto...'

Gusto?

'ako....'

Hah? Kanino?

**************************

Hi there! Sorry for slow updates. Thank you for being part of the very few people taking time to read this. Keep on reading. PM me if you want me to read your story. :)

The Paper Hearts ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon