Buong summer, nasa bahay lang ako. Lalabas lang ako ng kwarto kapag kakain. Parang nawalan na ako ng buhay. Ewan ko ba. Parang kulang kapag wala si Gab. Kapag walang mangaasar sa akin. Kapag wala yung nagbibigay sa akin ng chocnut.
Yung box at bulaklak na binigay niya katabi kong matulog. Ang weird no?
Di ko sinasagot yung mga text at tawag ni Alex. Di na rin ako nagoonline. Ang sama ko diba? Ramdam ko na parang mali. Mali na naging kami.
Patapos na yung summer break nang nagpunta ako sa school. May kailangan kasing asikasuhin para sa college. Pagdating ko dun, nakita ko si Alex.
Patakbo na sana ako paalis. Kaso nahabol niya ako. Hawak niya yung kamay ko.
‘Ana.’
‘…’
‘Ana kausapin mo ako.’
‘…’
‘Okay ka lang ba?’
‘Alex. Masama ba ako kung sasabihin ko na feeling ko na parang mali na naging tayo.’
‘Ano? Ana di kita maintindihan.’
‘Feeling ko mali. Mali ito.’
‘Ana. Di na kita naiintindihan. Dalawang buwan mo kaming iniwasan. Bakit?’
‘…’
‘Ana tayo pa ba?’
‘Alex sorry pero..’
‘Si Gab ba?’
‘…’
‘Siya ba ang dahilan?’
‘Wala na si Gab.’
‘Yun nga yun Ana e. Wala na si Gab. Kung kailan nawala siya saka ka pa nagkaganyan.’
‘Nagkamali ako. Feeling ko si Gab dapat. Hindi ikaw.’
‘Ana wala na siya. Di na siya babalik.’
Tumutulo na ulit yung luha ko. Pesteng luha yan.
‘Ana. Tutulungan kita. Tutulungan kitang kalimutan siya.’
‘Hindi. Ayoko. Nangako ako..’
‘Na ano?’
‘Bye Alex. Sorry…’
‘Ana please..’
‘Sorry talaga.’
Umuwi na lang ako ng bahay at umiyak. Umiyak na lang ulit ako. Mali. Nagkamali ako. Ba’t kasi ang manhid mo Ana ? Pakiramdam ko parang pinunit punit yung puso kong papel.
BINABASA MO ANG
The Paper Hearts Project
Ficção AdolescenteSimpleng babae na may simpleng pampalipas oras. Naging komplikado na lang lahat nang dahil sa dalawang lalaki.