Kinabukasan, pagpasok ko sa school wala ako sa mood para kumausap ng kahit sino. Alam ko dapat masaya ako dahil nag-effort si Alex para ayain ako sa prom. Pero may nararamdaman akong mali. Nababaliw na ata ako.
Nung lunch break, bumili ako ng burger sa canteen tapos nagpunta ako sa umbrella tree. Pinagdasal ko na sana walang tao. Awa ng diyos, walang tao.
Habang kumain, lumipad ang isip ko sa kawalan. Patapos na akong kumain ng may narinig akong sigawan. Sa may quadrangle ata.
Pagpunta ko dun, nakita ko na may mga tao na nagtipon-tipon. Sa gitna nila, nakatayo si Gab at si Rhea. May hawak na white rose si Gab.
'Yes! Yes! Yes!'
Tapos biglang niyakap ni Rhea si Gab. Nagulat ako sa nakita ko at mukhang nagulat din si Gab. Pagkatapos nun umalis na yung dalawa at pati na rin yung mga nanuod. Habang, ako nakatayo dun di pa rin maka-get over sa nangyari.
May gusto pala talaga si Gab kay Rhea.
Bumalik ang utak ko sa realidad ng biglang may bumanga sa akin. Si Bea pala.
'Oh Ana. Anung ginagawa mo diyan?'
'Uh. Wala.'
'Mygad ANAAA! May kwento ako sayoooo!'
'Ano?'
''Promdate ko si SAAAAAAAAAAAAM! AAHHHHHHH!'
'Uh okay..'
'Huh? Okay ka lang ba?'
'Uh. Oo naman.'
'Eh namumutla ka eh. Gusto mong pumuntang clinic?'
'Ahh. Wag na. Tara balik na tayo sa room, baka malate tayo.'
'Hay nako Ana. Ang weird mo ngayon ah.'
Lumipas ang after lunch subjects ng di ko napapansin. Siguro dahil parang halos tulala lang ako. Nung uwian na, tinakasan ko si Bea at umuwi ako agad. Malakas nanaman trip ko kaya naglakad ako pauwi. Siguro baka maging thing ko na to araw-araw.
Tapos biglang may nagtext sa akin.
*Uy Ana nasan ka?*
Si Alex.
Di ko alam kung anung irereply.
*Nasa bahay na ako.*
Nice. Ang galing magsinungaling. Haay. Baka kasi sundan ako e.
*Ah ganun ba. Okay ka lang ba?*
Ewan ko rin e. Haaaay
*Oo naman. Medyo pagod lang. Matutulog muna ako ha?*
*Sige. Sweet dreams.*
Wow. May sweet dreams. Ang gulo na talagaaaa. Napaisip tuloy ako kung hihintayin ko pa ba yung sign?
******
I'm back! Hahaha. Hi reig and ashley! Para sa inyo ang chapter na ito, sorry kung maikli lang :)))
BINABASA MO ANG
The Paper Hearts Project
Teen FictionSimpleng babae na may simpleng pampalipas oras. Naging komplikado na lang lahat nang dahil sa dalawang lalaki.
