Dalawang taon na rin ang lumipas. Two years ago, umalis siya. Pero hanggang ngayon ramdam ko pa rin yung sakit.
Mula nung naghiwalay kami ni Alex di na ulit ako nagkaboyfriend. May mga nanligaw pero di ko pinansin. Pinatawad naman ako ni Alex. Naintindihan na daw niya ako. Minsan lumalabas pa rin kami kasama ang barkada.
Sinabi ko sa sarili ko na focus muna ako sa studies. Actually, masyado na nga daw akong naging GC e. Di na ako masyadong naglilibang. Tumigil na nga ako sa paggawa ng origami.
Sabado.
Kakauwi ko lang galing sa dorm. Every other week umuuwi pa rin ako kanila mama. Nakakamiss din kasi yung luto niya. Sinabihan ako ni mama na maglinis daw ako ng kuwarto. Ilagay ko daw sa isang box yung mga gamit na di ko na gagamitin. Mag-gagarage sale daw sila bukas.
Hay nako. Wrong timing naman. Pero wala akong magagawa. Sinimulan ko na ang paglilinis.
Napatigil ako ng tumunog yung phone ko.
Si Bea tumatawag.
‘ANAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA !’
‘Aray ko te. Wag kang sumigaw.’
‘Sorry. Excited kasi ako.’
‘Bakit anu bang meron ?’
‘Naalala mo yung contest na sinalihan ko last month ?’
‘Hmm. Yung sa trip to Japan ?’
‘Oo !’
‘Oh anung meron dun ?’
‘NANALO AKOOOOOO !’
‘WEH ?! Congrats !’
‘Thanks. And guess what ?’
‘Ano ?’
‘Trip for two yun ! At ikaw yung isasama ko !’
‘Hah ?! Seyoso ka ?’
‘Oo. Bestfriend kita. At alam kong matagal mo nang gustong pumunta dun diba ?’
‘Oh my gosh ! Grabe ! Pupunta tayong Japan !’
‘Oo !!!!!!’
Wow. Naexcite ako bigla.
‘Sa April yung flight. Kaya sakto walang pasok.’
‘Sige, sige. Sabihin ko kay mama. Maya na lang muna. Pinaglilinis ako ng kwarto.’
‘Sige. Nako ako magshoshopping na ako ng damit !’
‘Hay nako. Ikaw talaga. Sige na nga.’
Grabe ang saya ko ! Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganitong saya. Pero mamaya ka na magcelebrate Ana, maglinis ka muna ng kwarto mo.
Winawalisan ko yung ilalim ng kama ko ng may natamaan ako. Pagtingin ko yung box. Yung box na binigay niya. Matagal ko na ring di nakikita yun. Naalala ko nanaman siya.
Pagbukas ko, nandun sa loob yung 3 rosas na binigay niya pati na yung mga puso na sinulatan ko dati. Nilagay ko yung box sa lamesa ko.
‘Bakit ka ba kasi umalis.’
BINABASA MO ANG
The Paper Hearts Project
Roman pour AdolescentsSimpleng babae na may simpleng pampalipas oras. Naging komplikado na lang lahat nang dahil sa dalawang lalaki.