Pagdating ko sa bahay, pawis na pawis ako. Pagkatapos akong pagalitan ni mama. Nagpunta ako sa kwarto ko at humiga sa kama ko.
Nakakatitig lang ako sa kisame.
WAAAAAH. ANG GULOOOOO.
Di ko na naiintidihan ang sarili ko. Di ko na naiintindihan si Gab. Di ko na naiintindihan ang mundo !
Di ko na alam yung nararamdaman ko. Akala ko pa naman magiging okay na ang lahat. Hindi pala.
Hindi ako makutulog nung gabing iyon. Nagplay lang sa utak ko yung kanta ni Gab. Sinulat ko pa nga sa puso e.
Lucky I’m in love with my best friend..
WAAAH. Bestfriend? Posible kayang ako yung tinutukoy niya?
Hindi! Nako Ana. Wag ka ngang magassume. Si Rhea ang gusto niya diba?
Pero.. Di naman ako sigurado…
Hindi!
Siya nga yung inask niya sa prom e..
Pero, possible kaya na ay gu-
HINDI!! Ana. May boyfriend ka na. Sinagot mo na si Alex kanina diba?
Nagsisi ba ako na ginawa ko yun? Hinintay ko ba dapat muna yung sign?
Buong gabing may debate sa utak ko.
Mga bandang 2 am, napagod na rin yung utak ko at nakatulog din ako.
Pagpasok ko sa school kinaumagahan, muka akong zombie. Sobrang laki nung eyebags ko.
‘Huy Ana!’
‘Oh?’
‘Ba’t ganyan ang itsura mo?’
‘Hah?’
‘Ang sabi ko ba’t parang mukha kang magau-audition para sa walking dead?’
‘Di kasi ako makatulog kagabi eh.’
‘Yieee. Iniisip mo si Alex no?’
‘Asus. Tumigil ka nga diyan.’
‘Nako naman. Wag ka nang magdeny.’
‘Wala naman akong dinedeny e.’
‘Bahala ka diyan. Tara canteen na tayo.’
Paglabas naming sa pinto, nandun sila Sam at Alex naghihintay. May hawak na tatlong putting rosas si Alex.
Sana putting papel na rosas na lang yun…
‘Yieee.’
‘Shh. Bea ano ka ba.’
‘Ana sabay na tayong maglunch?’
‘Uh.. Sige.’
Tapos hinwakan niya yung kamay ko hanggang makarating kami sa canteen. Si Sam at Alex na yung bumili ng lunch naming. Nung kumakain na kami sa table, biglang dumating sila Gab at Rhea.
‘Uy guys pwede ba kaming sumabay ni Gab.’
Tumingin ako kay Gab. Ayun, poker face as usual.
‘Oo naman.’
Habang kumakain kami, lahat sila maingay. Pero kaming dalawa ni Gab tahimik lang. Ang awkward masyado.
BINABASA MO ANG
The Paper Hearts Project
JugendliteraturSimpleng babae na may simpleng pampalipas oras. Naging komplikado na lang lahat nang dahil sa dalawang lalaki.