Chapter 4

39 2 0
                                    

Sa Mcdo...

'O Ana, anung gusto mo?'

'Burger lang.'

'Wow diet si taba.'

'Ganun ah. Halika na nga Bea, alis na tayo.'

Patayo na ako at kinuha na ang bag ko.Nagulat ako ng hinawakan ni Gab ang kamay ko at hinila ako sa upuan ko.

'Teka. Joke lang. Eto na nga oh, oorder na kami ni Sam. Ikaw Bea?'

'Ganun din.'

'Sige. Tara na pre.'

Kainis naman tong si Gab. Tsk. Nakatitig ako sa kawalan nang may pumasok sa Mcdo na pamilyar ang mukha. Si.... uhm... ayun, Alex. Nakita niya ako, pumunta siya sa table namin.

'Uy Ana.'

'Hi.'

'Pwedeng makiupo?'

'Oo naman.'

Kinalabit ako ni Bea.

'Ay, si Bea nga pala. Bea, si Alex. New student, classmate ko sa journ class.'

'Hi.'

'Ba't ka pala nandito?'

'Ahm kasi... Nakita kita dito kaya pumasok ako.'

'Yun lang?'

'Malamang kakain din.'

'Oo nga naman.  Hahaha. Umorder ka na kaya.'

'Ayy oo. Sige wait lang ha. Ikaw gusto mong ice cream?'

'Sige ba.'

Pagalis ni Alex para umorder, saktong dating din nila Gab.

'Sino yun?'

'Si Alex. Okay lang ba na dito siya umupo?'

''Hmmm. Sige.'

Pagbalik ni Alex, pinakilala ko siya kanila Gab at Sam. After nun, parang binalutan yung table namin ng bonggang ka-awkwardan. Nakakainis naman tong si Gab, parang ayaw kay Alex.

Pagkakain ko, nagulat ako late na pala. Lagot ako kay mama, may ipagagawa pa naman sa akin yun.

'Uy guys, kailangan ko nang umuwi.'

'Ang aga naman.'

'Eh kasi Gab may ipagagawa pa si mama e.'

'Sige.'

'Ikaw Bea?'

'Ayaw ko pang umuwi eh. Dito muna ako. Wala pang tao sa bahay eh. Naiwan ko pa yung susi ko.'

'Hmm. Sige.'

'Saan ka ba? Hatid na kita.'

Nagulat ako. Nandiyan pala si Alex. Wow. Bait ah, ihahatid pa ako.

'Maglalakad lang naman ako eh. Malapit lang naman.'

'Eh medyo madilim na kaya. Halika hatid kita.'

Pagtayo niya, kinuha niya yung bag ko at lumabas ng Mcdo.

'Uy teka!'

'Angas naman nun.'

'Uy Gab di naman. Ihahatid na nga ako eh.'

'Tsk.'

Problema nun?

'Sige, bye na.'

Paglabas ko, nandun si Alex , naghihintay sa akin.

'Oh, Tara na?'

'Sige.'

 ***

Bitbit ni Alex yung bag ko habang naglalakad kami. Kahit anung pilit ko, ayaw niyang ibigay yung bag ko. Pagdating sa street namin, nagbabye na ako sa kanya kasi baka makita pa kami ni mama. Napakamalisyoso pa naman nun.

'Oh Alex. Dito na ako. Okay na ako.'

'Sigurado ka ah?'

'Oo. Salamat sa paghatid.'

'Wala yun.'

'Sige, ingat ka.'

'Okay. Bye.'

Pagdating sa bahay, nasermonan ako ng konti ni mama. Pagakyat ko sa kuwarto ko, higa ako agad sa kama ko at bukas ng laptop. Nagbukas ako ng FB ko at sinearch ang Alex Artuz.

Habang nasa profile niya, naisip ko na may itsura pala to. Ano daw?! Hay Ana. Anung nangyayari sayo? Okay, medyo kinilig ata ako sa paghatid niya kanina...

WAAAAAAH. Ang inet ng pakiramdam ng mukha ko.

Naalala ko bigla si Gab, biglang nagsungit kanina. Pagsabihan ko nga. Di niya kasi pinansin si Alex. New student na nga yung tao eh.

*Uy Gab*

Ang tagal namang magreply nun.

.

.

.

After 10 mins, may reply na.

*Oh bakit?*

*Bakit ang sungit mo kanina kay Alex? Wala namang ginawa sayo yung tao ah.*

*Di naman ah. Di lang siya nagsalita kanina. Parang suplado.*

*Di naman, new student kasi siya*

*Sige.*

*Uy seryoso? Anung meron?*

*Wala naman. Bye na. May gagawin pa ako.*

*Sige. Bye.*

Ang sungit naman ni Gab. Ahhhh. Ang gulo niya. Bahala siya. Baka maging masama nang impresyon sa kanya ni Alex.

Dahil na stress ako, kumuha ako ng papel. Tupi dito, tupi doon. Gumawa ulit ako ng paper heart. Nagsulat ako.

Bakit ba ang gulo ng ibang tao?

Pagkatapos, ginawa ko na yung homework ko. Nagnet din ako saglit. Pampakalma lang din.

Uy. Inadd ako ni Alex. Pagkaaccept ko, nagPM siya agad.

*Hi.*

*Hello. :) Buti naman nakauwi ka nang maayos.*

*Oo naman. Nagtricycle na ako pauwi.*

*Weh? Baka naabala pa kita.*

*Di. Ayos lang.*

'Ana! Papatayin na yung net. Tapos ka na?!'

'Teka lang po!'

*Uy Alex, off na ako. Papatayin na yun net.*

*Ah sige. Pwde na lang bang makuha number mo?*

AHHHHH. Ba't niya hinihingi? Sana di to palatext, lagi pa naman akong walang load. Pagkabigay ko ng number ko, nagbabye na ako at baka mapagalitan pa ako ni mama. Ayos tong si Alex ah. Kinikilig ako. Haha.

The Paper Hearts ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon