Chapter 12

31 2 1
                                    

Sa mga sumunod na araw, mas naging sweet sa akin si Alex. lagi siyang may binibigay or ginagawa na something sweet para sa akin. Minsan nga hirap na akong magpigil ng kilig.

Ngayong araw, binigyan niya ako ng chocolates. White chocolates. Ang galing, favorite ko.

'Oh, para sayo oh.'

'Salamat! Grabe, ang galing mo naman.'

'Bakit?'

'Favorite ko to eh.'

'Astig, tama si Gab.'

'Si Gab?'

'Sabi niya, next to chocnut white chocolates ang favorite mo.'

'Ahh.'

Haay. Naalala ko nanaman si Gab. Since nung nagstart na akong ligawan ni Alex, di na kami naguusap. Parang lagi na lang siya naguusap. Di ko na nga alam nangyayari sa kanya e.

'Oh, ba't natahimik ka?'

'Uh wala lang. Libot tayo sa school?'

'Sige.'

Hinawakan niya yung kamay ko at naglibot kami. Nung napadaan kami sa umbrella trees, nakita namin si Gab kasama si Rhea. Hawak ni Rhea ang kamay niya. Ang sweet nilang tignan.

'Uy pre.'

Nung nakita kami ni Gab, inalis niya yung kamay niya kay Rhea.

'Uy Alex.'

'Hi Gab, Hi Rhea.'

'Hi Ana!'

'...'

Mukang ayaw talaga akong kausapin neto.

'Uh Gab...'

'Hmmm?'

'Uhh, wala lang...'

'....'

Ang bigat bigla ng pakiramdam ng dibdib ko. Ano bang nangyayari sa akin? Parang di ko kakayanin na di ako pinapansin ng bestfriend ko.

'Naks pre, sweet niyo ah. Anung meron sa inyo ni Rhea?'

'Uhh. Wala no.'

Biglang sumimangot si Rhea.

'Hm, sige. Uwi na kami ni Ana.'

'Bye Gab....'

Anung meron sa kanila ni Rhea? Bakit parang ako pa ata yung huling nakaalam? Akala ko ba bestfriend niya ako? Ano na bang nangyayari kay Gab? AAAAAAAAAAAAAHHHHH

Ang dami kong tanong. 

Paguwi ko sa bahay, super lungkot na bigla ng pakiramdam ko. Kumuha ako ng papel at gumawa ulit ng puso. Nagsulat ako.

Akala ko ba bestfriend kita?

Kinuha ko yung puso at nilagay ko sa isang box. Lahat ng puso na sinusulatan ko, dun ko nilalagay.

Haaay nako. Ba't ba ako masyadong affected?

The Paper Hearts ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon