The next day, grad ball naman namin. Time naman para magparty. Di na ako masyadong nageffort sa itsura ko. Alam ko naman kasi na magmumukha din naman kaming haggard pagkatapos. Hiniram ko lang yung dress ng pinsan ko tapos nagpakulot.
Sa school na lang ginanap yung ball kasi di na kinaya ng PTA yung budget. Pero napaganda naman nila yung covered court. Okay lang naman sa akin. Party lang naman ang habol namin.
Medyo kalagitnaan na nung ball nung may natanggap akong text.
*Punta ka ng Umbrella Trees.*
Unknown number.
Sumimangot ako. Sino kaya to? Baka si Alex siguro. Pero may kutob ako.
Pagdating ko dun, nagulat ako ng makita ko yung lugar. May mga ilaw din. Ang romantic nga nung feeling eh. Si Alex agad yung hinanap ko.
‘Alex?’
Pero di si Alex yung nandun.
‘Ana.’
Si Gab. Paalis na sana ako ng bigla niyang hinawakan niya yung kamay ko.
‘Ana, wag ka nang umiwas. May problema ba?’
‘…’
Tapos may music na nagplay. Rinig yung kanta mula sa court.
Eto na ang ating huling sandali
Di na tayo magkakamali
Kinuha niya yung kamay ko, tapos sinayaw niya ako.
Kasi wala ng bukas
Sulitin natin
Ito na ang wakas
Kailangan na yata nating umuwi
May iba akong nararamdaman..
Hawakan mo aking kamay
Bago tayo maghiwalay
Lahat lahat ibibigay
Lahat lahat..
Paalam sa ating huling sayaw
May dulo pala ang langit
Kaya’t sabay tayong bibitaw
Sa ating huling sayaw
Parang nararamdaman ko na parang ito na yung huli..
Di na malaya na malalim na ang gabi (malalim na ang gabi)
Pero ayoko sanang magmadali
Kay tamis, kay sarap
Ngunit ito na ang huli
Kailangan na yata nating umuwi
Hawakan mo aking kamay
Bago tayo maghiwalay
Lahat lahat ibibigay
Lahat lahat..
Paalam sa ating huling sayaw
May dulo pala ang langit
Kaya’t sabay tayong bibitaw
Binitawan niya ako tapos may kinuha siyang box.
Sa ating huling sayaw
Binigay yung box sa akin.
Paalam sa ating huling sayaw
May dulo pala ang langit
Kaya’t sabay tayong bibitaw
Sa ating huling sayaw
‘Alam mo, sakto tong kantang to. Wag mo munang bubuksan yan. Buksan mo kapag nasa bahay ka na.’
‘Gab?’
Tapos umalis na siya.
Ako naman, mas naguluhan na. Kaya umuwi na lang ako.
Pagdating ko sa bahay may 10 missed calls ako. Si Alex.
Alex calling..
Sinagot ko.
‘Hello?’
‘Ana nasaan ka?’
‘Nasa bahay na.’
‘Hah?! Grabe alalang alala ako. Ba’t di ka nagpahatid?’
‘Sorry. Masama kasi bigla pakiramdam ko e.’
‘Kahit na. Dapat nagpahatid ka na sa akin.’
‘Sorry talaga..’
‘Pero ayos ka na ngayon ?’
Bigla na lang tumulo yung luha ko.
‘Oo. Uh Alex, magpapahinga na ako. Sorry talaga ah.’
‘Sige. I love you.’
Tapos binababa ko na yung telepono ko. Di ko alam kung ba’t ako umiiyak. Lecheng kanta yan. Lecheng Gab yan. Bakit parang feeling ko yun na nga. Yun na yung huli naming sayaw?
Nakatulog ako ng umiiyak.
BINABASA MO ANG
The Paper Hearts Project
Roman pour AdolescentsSimpleng babae na may simpleng pampalipas oras. Naging komplikado na lang lahat nang dahil sa dalawang lalaki.