'Sa'yo..'
Ano daw? Sa akin?!
'Hah?'
'May gusto ako sa'yo ANA!'
'Oh teka. Narinig na kita. Wag mong isigaw.'
Napangiti na lang ako. So ininvite niya ako para umamin sa akin?
'Ikaw?'
'Anung ako?'
'....'
'Teka Alex ah. Ang bilis eh. Nagulat ako. Parang di naman ako kagusto-gusto.'
'Tsss. Maganda ka, mabait, matalino. Ikaw rin nagpapatibok ng puso ko.'
WAAAAAAAAAAAAAH. Nakadrugs ba to? Anung sasabihin ko?
'Tumigil ka nga diyan! Halika na nga kain na tayo. Gutom na ako.'
Wow Ana. Napakamaganda ng sinabi mo. Pero... Ano nga bang dapat kong sabihin sa taong umamin na may gusto siya sa akin? "Gusto rin kita."
Nako! Wag muna. Di pa ako sigurado sa nararamdaman ko.
So kumain kami kasama ang pamilya ni Lex tapos nagpaalam na din ako. May pasok pa kasi kinabukasan. Hinatid ako ni Lex sa sakayan ng jeep.
'Uh Ana, tungkol sa kanina...'
'Lex.. Di ko talaga alam sasabihin ko e.'
'Oo. Di naman ako nagmamadali e. Pero ipaglalaban kita.'
Ipaglalaban?
'Sabi mo yan ah! Haha, joke. Salamat ngayon ah. Nagenjoy ako.'
'Buti naman. Ana....'
'Hmm?'
'Liligawan kita ah?'
'Ano? Uwi na nga ako. Nababaliw ka na ata e.'
'Sige. Bye.'
Sabay ngiti na parang makakapagsindi ng isang libong bumbilya sa sobrang lakas ng spark. Haay. Si Alex na ba kaya talaga?
Kinabukasan, pagpasok ko sa room, lahat ng tao nakatingin sa akin. Pati si Bea. Na may sobrang laking ngiti sa mukha niya.
'Oh? Anung meron?'
'Ikaw kaya ang dapat kong tanungin nun.'
'Osige. Paki explain nga ito.' Sabay turo sa upuan ko.
Pagtingin ko, may mga bulaklak. Kinuha ko at tinignan kung kanino galing. May nakasulat.
Magagandang bulaklak para sa magandang babae. - A
WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH. A? As in Alex? Grabe!!!!!
'Oh? Kanino galing.?'
'Kay.... Alex...'
'Alex? Hah?! Kayo na ba?!'
'Anung kami?! Huwag ka ngang maingay. Umamin siya kagabi...'
'Kagabi? Sa birthday ng nanay niya?'
'Oo.'
'Anung sabi mo?'
'Tahimik lang ako.'
'So kailan mo siya balak sagutin?'
'Sagutin?!'
'Oo.'
'Wala pa ngang ligawan sasagutin ko agad? Wow ha.'
Natigil yung usapan namin ng biglang dumating yung teacher namin.
*****************************
Hey! So our graduation is coming and I'm a little busy so the updates are very very slow. Sorry! :)
![](https://img.wattpad.com/cover/4148231-288-k430484.jpg)
BINABASA MO ANG
The Paper Hearts Project
Teen FictionSimpleng babae na may simpleng pampalipas oras. Naging komplikado na lang lahat nang dahil sa dalawang lalaki.