Sabado ngayon. Nasa mall ako kasama sila Gab at Bea para bumili ng gamit para sa scrapbook project namin. Nagpasama sa akin si Gab kasi wala daw siyang kaalam alam sa mga scrapbook. Hinatak ko si Bea kasi baka may makita sa amin ni Gab at baka magassume. Hearthrob pa naman to. Ayaw ko ng haters.
'Uy salamat sa pagsama sa akin ah.'
'Wala yun. Grabe ka nga kanina eh, ang baduy ng mga naisip mong idea.'
'Sabi ko sa'yo eh.'
'Uy guys kain tayo sa Mcdo.'
Uy sakto magaya si Bea. Nagugutom na rin ako.
'Sige. Mauna na kayo. May bibilhin lang ako.'
'Okay.'
Pagdating namin ng Mcdo, saktong nakita ko si Alex, magisang kumakain. (yes! sakto)
'Uy Lex!'
'Uy Ana!'
'Ahem.'
'Hi din Bea.'
Etong si Bea panira naman ng moment oh.
'Magisa ka lang?'
'Oo eh. May binili kasi ako para kay mama, birthday niya kasi bukas.'
'Ah, ganun. Pwedeng dito kami umupo?'
'Oo naman. Gusto niyo libre ko kayong ice cream?'
'Sige!!'
Nagkasabay pa kami ng sabi ni Bea. Magbestfriend talaga kami, pati sa pagkain magkasundo.
'Sige. Teka lang.'
At bumili na si Alex ng ice cream. Tapos bigla na lang nagring yung phone ni Bea.
*BEEEEP* BEEEEEP*
'Hello ..... Opo ...... Po?! Sige po, uuwi na ako.'
'Anyare te?'
'Yung kapatid ko daw nalaglag sa hagdan. Kailangan ko nang pumuntang ospital e.'
'Nako. Sige.'
'Una na ako ah, pakisabi na lang kay Lex.'
'Okay. Ingat.'
Pagalis ni Bea, dumating na din si Lex.
'Oh. Asan si Bea?'
'May emergency lang. Kailangan na niyang umalis.'
'Ahh. Sayang naman yung ice cream niya.'
Biglang dumating si Gab.
'Uy pre.'
'Uy Gab. Musta?'
'Ayos lang. Si Bea?'
'Umuwi na. May emergency sa bahay nila eh.'
'Ahh.'
'Nabili mo yung kailangan mo?'
'Oo. Pero mukang di ko na kalangan eh.'
'.....'
Pagkatapos nun, nagkuwento na lang si Alex tungkol sa dati niyang school. Si Gab, tango na lang ng tango. Ano nanaman problema nun?
Kinuwento ni Gab na varsity pala siya sa school niya dati. Di na ako nagulat kasi pasok din siya sa varsity team ng school ngayon. Sinabi rin niya na member din pala siya ng church choir nila. Wow, religious siya ah.
After ng kuwento niya, tumigin siya sa phone niya.
'Hala! Late na pala. Mag-aayos pa kami para sa party bukas. Uhmm. Ana, Gab. Punta kayo sa amin bukas. May handaan kasi.'
'Hmm. Sige. Game ako.'
'Sorry pre may pupuntahan kami bukas eh.'
'Ahh okay. Punta ka Ana ah?'
'Oo. Text text na lang.'
'Sige. Bye.'
Pagaalis ni Alex, tinanong ko si Gab..
'Uy Gab. Ayos ka lang?'
'Oo naman.'
'Okay.'
'......'
AHHHHHHHHHHHH. Ayaw ko ng ganito.
'Gusto mo nang umuwi?'
'Geh.'
So hinatid niya ako sa bahay namin. Pero halos di rin kami nagusap. Siguro napagod lang to.
'Eto oh.'
May inabot siya sa akin na paper bag. Pagsilip ko, may set ng origami paper. Mukang mahal pa siya ah.
'Ano to?'
'Papel malamang.'
'I mean... Para saan?'
'Thank you gift.'
'Dahil?'
'Basta thank you gift.'
'Salamat. Bait mo talaga. Kaya best friend na rin turing ko sayo eh. Parang ikaw yung male counterpart ni Bea. Hahaha!'
'Grabe. Di ba lalaki na yun si Bea?'
'Uy ayos nga! Uwi ka na nga.'
'Weh, pinaalis mo na ako.'
'Ayaw ko lang na gabihin ka.'
'Sige na nga. Bye.'
'Bye.'
Pagakyat ko sa kwarto ko, binuksan ko yung bigay niya at sinubukan yung binili niya. Wow, ang galing niya. Favorite color ko pa yung pinili niya.
Tupi dito, tupi doon. Pagkabuo ko ng puso, sinulatan ko.
Galing sa bestfriend ko.
BINABASA MO ANG
The Paper Hearts Project
Fiksi RemajaSimpleng babae na may simpleng pampalipas oras. Naging komplikado na lang lahat nang dahil sa dalawang lalaki.