Umuwi din kami pagkatapos nung birthday ko. Yun yung pinakamasayang birthday ko. Si Gab umuwi din siya after one week. Pumayag na kasi yung parents niya na dito na sa Pilipinas siya mag-aral. Siyempre ako sobrang saya ko.
Naging kami rin ni Gab after 2 months. Araw araw, ramdam ko na parang mas minamahal pa niya ako. Masaya ako na tinupad niya yung pangako niya. Di siya nagbago.
***
‘Happy Anniversarry !’
Ang bilis no ? Haha. Oo. Isang taon na rin ang lumipas. May dala si Gab na isang malaking malaking paper heart. Yung gawa sa cartolina.
‘Wow ! Gumagaling ka na ah.’
‘Siyempre. Buong gabi ko yang ginawa ah.’
Naging parang tradition na kasi namin yung pagbigay ng paper sa isa’t isa kapag may monthsary kami.
Nakaupo kami ngayon dun sa bench namin habang nanunuod ng sunset. Naalala ko nanaman yung mga pangyayari nung high school kami. Tapos tinignan ko ulit si Gab.
‘I love you.’
‘I love you.’
Ayokong sabihing tapos na yung kwento na ito. Hinihiling ko nga na sana wag nang matapos to e. Sana di na matapos to. Dahil sa kanya, nabuo muli ng punit punit kong puso.
BINABASA MO ANG
The Paper Hearts Project
Teen FictionSimpleng babae na may simpleng pampalipas oras. Naging komplikado na lang lahat nang dahil sa dalawang lalaki.
