Chapter 31

22 0 0
                                        

Isang araw na lang bago yung flight namin ni Bea. Ang saya nga e kasi sa Japan pa ako magbibirthday. Oh diba sosyal ? Hahaha.

Nagiimpake ako nang makita ko ulit yung box. May naisip ako. Gusto ko na siyang kalimutan.

Kumuha ako ng papel tapos gumawa ng origami box. Kinuha ko yung mga puso sa loob nung box tapos nilagay ko sila dun sa ginawa ko. Nilagay ko sa bag ko yung box.

***

Pagtapak namin sa airport. Nilanghap namin ni Bea ang hangin at sabay sambit,

‘HELLOOOO JAPAN !’

Pakapalan na ng mukha. Hahaha. Grabe ! Ang ganda.

Sinalubong kami sa airport yung representative nung nagpacontest tapos hinatid kami sa hotel namin. 5 days kami sa Japan. Sa huling araw, birthday ko.

Sa sumunod na tatlong araw, nilibot namin ang Japan. Enjoy nga e. Ayaw ko nang ikwento. Haha. Basta masaya at sobrang napagod kami.

Nung 4th day, niyaya ko si Bea sa cherry blossoms. Pagdating namin dun, kinuha ko yung box na naglalaman nung paper hearts at iniwan ko na dun. Sa isip ko, sana makalimutan ko na siya ng tuluyan pagkatapos nito. Gusto ko na siyang pakawalan.

‘Sorry Gab.’

Tapos tumulo yung luha ko.

‘Oh Ana, umiiyak ka nanaman ?’

‘Ah hinde, napuwing lang.’

‘Nako. Ano yan si Gab nanaman ?’

‘Pinakawalan ko na siya. Gusto ko na talagang makalimot.’

At pagkatapos nun bumalik na kami sa hotel namin.

***

Paggising ko nung umaga walang tao sa kuwarto namin. Nasaan kaya si Bea ?

‘Bea ?!’

Nagpunta ako dun sa dining area. Pagtingin ko sa table, may mapa at may note.

Happy Birthday Ana !

Sorry di na ako nakapagpaalam. May kailangan akong puntahan. Eto mapa. Magkita tayo sa may cherry blossoms mamayang 6 :00 pm. Libot ka muna. I love you !

- Bea <3

Hay nako. Ano nanamang nasa isip ng babaitang yun ? Kaya sinunod ko na lang siya at naglibot. Tapos nagpunta ako sa may cherry blossoms ng six. Halos maligaw ligaw na nga ako e.

The Paper Hearts ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon