Chapter 23

21 1 0
                                    

Natapos na rin ang finals sa wakas!

Kaya after ng finals week namin, maingay na ang school. Senior’s day kasi, tapos championship game pa nung basketball team namin. Kalaban nila yung mga taga-all boys na school. Siyempre lahat excited. Di lang dahil may laban, kasi daw puro gwapo rin daw yung tiga-ibang school. Mga babae talaga ngayon. Haha.

Kaya nung hapon, nagpunta na kami ni Bea sa may court. dun kami sa malapit sa bench ng team namin. At nagstart na yung laro.

After ng first half, lead yung kalaban. Nung half time show, nagulat na lang kami nung may presentation pala yung varsity. Nakakatawa nga e, sumasayaw sila sa gitna. Tapos, kinuha nila yung mic.

 Nagulat na lang ako.

‘Mic test. Mic test.’

Alam ko yung boses na yun ah. Alex?

‘Magandang hapon po. Ang kanta pong ito ay para kay Ana Cruz. Ang pinakamagandang babae sa mundo.’

Nanlaki na lang yung mga mata ko.

Tumugtog yung Beautiful Soul ni Jesse McCartney.

I want you and you’re beautiful soul...

Dun sa part na yun lumapit siya sa akin paunti unti. Medyo speechless ako. Eh kasi yung mga kasama niya naging back-up dancer pa sa likod. Sira ulo talaga yun.

Nung tapos na yung kanta, hinawakan niya yung kamay ko. Tumingin sa mga mata ko sabay sabi,

‘Ana Cruz, ikaw. Ikaw lang ang gusto ko. Pwede bang maging tayo na?’

‘Uhh..’

Bumilis yung tibok yung puso ko.

‘…’

Gusto kong lumingon kahit saan pero parang nalock na yung mata naming ni Alex.

‘Oo.’

Bigla na lang niya akong niyakap at nag- “YIEEE” na lang lahat ng tao. Medyo nakakahiya kasi nakita at narinig ng buong batch. After nun, kiniss niya ako sa cheeks tapos nagpunta na sa bench nila. Ako naman, gulat, tulala at kilig na kilig.

Pagupo ko sa bleachers..

‘OMAYGAD ANA. ANG SWERTE MO!!!!’

‘Oo na.’

Ngiti. Hinawakan ko yung pisngi ko. Yung hinalikan ni Alex. Kami na ni Alex. Masyadong nakakagulat. Pero ewan ko parang may mali.

Nung second half, humabol na sila Alex. Tapos, napansin ko na wala si Gab. Nasan kaya yun ? Championship game tapos biglang naglaho.

‘Bea si Gab ?’

‘Hmm. Ewan ko. Baka may pinuntahan.’

‘Eh? Championship game tapos biglang maglalaho.’

‘Bayaan mo na. Baka may emergency.’

‘Okay.’

Saan naman kaya nagpunta yun?

Last 10 seconds na lang tapos naka-three points si Alex. Siyempre lahat kami todo sigaw dahil lead na sila. After nun, di na naka-shoot yung kalaban. Panalo sila Alex! After nung game, punta ako agad kay Alex.

‘Uy congrats.’

‘Salamat.’

‘Ang galling mo ah.’

‘Siyempre, nainspire mo ako e.’

‘Tumigil ka nga diyan.’

‘I love you.’

Napatulala ako bigla.

‘Uhh.. I love you too.’

Napangiti na lang si Alex. Hinawakan niya yung kamay ko tapos nagpunta kaming canteen.

Pagdating dun, nandun yung team. Lahat sila tinukso kami. Ako naman, ngiti na lang.

‘Uy Ana. Aagawin muna namin sayo si Alex mamaya ah. Magcecelebrate kami e.’

‘Sira ulo ka talaga Sam. Siyempre kay Ana ako sasama.’

‘Hindi okay lang. Magcelebrate kayo ngayon.’

Parang lahat sila nagulat.

‘Okay lang sayo?’

‘Oo naman. Nanalo kayo e.’

Ngiti ulit.

‘Sige. Salamat ah!’

Tapos niyakap niya ako.

‘Gusto mo ihatid muna kita sa inyo?

‘Di. Okay lang ako. Madali lang naming magtricycle e.’

‘Sige. Ingat ka.’

Kinuha ko yung bag ko sa room at umalis na. Ayaw ko pa munang umuwi kaya naglakad na lang ako muna.

The Paper Hearts ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon